Mensahe ng Ama ni Heart Evangelista, sa renewal of vows nila ni Chiz, umantig sa marami

Mensahe ng Ama ni Heart Evangelista, sa renewal of vows nila ni Chiz, umantig sa marami

- Sa pinakabagong episode ng Heart World sa GMA, pinasilip ni Heart ang mga kaganapan sa renewal of vows nila ni Chiz Escudero

- Binahagi niya rin ang love story nila ni Chiz na nauwi sa pagpapakasal nila nang dalawang beses

- Sa kanilang muling pagpapakasal wala pa rin ama ni Heart dahil nasa ibang bansa ito at nagpapagaling

- Gayunpaman, idinaan nito sa isang video ang kanyang mensahe para sa mag-asawa

Sa pinakabagong episode ng Heart World sa GMA, ibinahagi ni Heart Evangelista ang mga espesyal na kaganapan sa renewal of vows nila ng kanyang asawang si Senator Chiz Escudero. Bukod sa engrandeng selebrasyon, nagbigay rin ng mas personal na detalye si Heart ukol sa kanilang love story na nauwi sa dalawang beses na pagpapakasal.

Mensahe ng Ama ni Heart Evangelista, sa renewal of vows nila ni Chiz, umantig sa marami
Mensahe ng Ama ni Heart Evangelista, sa renewal of vows nila ni Chiz, umantig sa marami (Heart World/GMA Network | YouTube)
Source: Youtube

Gayunpaman, sa kabila ng kasiyahan, kapansin-pansin na wala ang ama ni Heart sa nasabing seremonya. Nasa ibang bansa at nagpapagaling sa Amerika. Subalit, ipinadala nito ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng isang emosyonal na video message para sa bagong kasal.

Read also

Heart Evangelista, emosyonal na ginunita ang Renewal of Vows nila ni Chiz Escudero

Sa kanyang mensahe, sinabi ng ama ni Heart na pangarap niya sanang maihatid ang kanyang anak sa altar ngunit hindi niya ito nagawa dahil sa kanyang kondisyon. Gayunpaman, tinanggap niya ang sitwasyon bilang paraan upang mas humaba pa ang kanilang pagsasama bilang mag-ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang makabagbag-damdaming mensahe ng ama ni Heart ay tumagos sa puso ng mga tagahanga at nagbigay inspirasyon sa marami. Ipinamalas nito ang tunay na pagmamahal at suporta para sa anak at manugang kahit siya ay nasa malayo.

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Read also

Nadia Montenegro, nagbigay ng update matapos ang kanyang heart surgery

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate