Heart Evangelista, pinalaking kailangang paghirapan ang mga bagay na gusto nilang makamit

Heart Evangelista, pinalaking kailangang paghirapan ang mga bagay na gusto nilang makamit

- Ipinahayag ni Heart Evangelista na bagamat lumaki siya sa may kayang pamilya, sinanay silang magtrabaho upang makamit ang kanilang mga pangarap

- Ayon kay Heart, ang kanyang tatay ay isang mahusay na disiplinarian at itinuro sa kanila ang pagpapahalaga sa pagsusumikap

- Binanggit ni Heart na kahit privileged siya, natutunan niyang maging mapagpakumbaba at magtrabaho nang husto

- Ibinahagi ni Heart na dumaan siya sa "impostor's syndrome" ngunit natutunan niyang tanggapin ang kanyang tagumpay at sabihing "deserve it"

Bagamat aminadong lumaki sa may kayang pamilya, nilinaw ni Heart Evangelista na sinanay silang magtrabaho para makamit ang kanilang mga pangarap. Ayon kay Heart, "Sobrang thankful ako dahil 'yung tatay ko, magaling din siyang magdisiplina."

Heart Evangelista, pinalaking kailangang paghirapan ang mga bagay na gusto nilang makamit
Heart Evangelista, pinalaking kailangang paghirapan ang mga bagay na gusto nilang makamit
Source: Instagram

Bago pa man pumasok sa showbiz, kilala na ang pamilya ni Heart sa food industry bilang may-ari ng iconic Filipino restaurant chain na Barrio Fiesta. Lumaki siya sa Amerika at bumalik sa Pilipinas noong siya ay nasa late teenage years, kung saan nagsimula siyang magpakita ng interes sa show business.

Read also

Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung totoo ang lumabas na isyu sa kanila ni 'P'

Sa ngayon, isa sa mga pinakamalaking pangalan sa showbiz si Heart, at tinagurian pa siyang "Style Icon" dahil sa kanyang malakas na impluwensya sa fashion industry. Sa loob ng 27 taon sa showbiz, nakamit niya ang maraming tagumpay, kabilang na ang pagbili ng isang apartment sa Paris na ipinakita niya sa kanyang reality series na Heart World sa GMA.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bilang bahagi ng kanyang journey, ibinahagi ni Heart ang mga aral na natutunan niya sa kanyang pamilya, lalo na sa disiplina at pagpapakumbaba. "Kailangan maging thankful ka kung anong meron ka, kailangan hardworking ka. 'Yun 'yung dala-dala ko na kung may gusto ka, kailangan pagtrabahuhan mo 'yun," dagdag pa ni Heart. Naging bahagi rin ng kanyang personal na laban ang "impostor's syndrome," kung saan minsan ay pinagdudahan niya ang kanyang sarili, ngunit natutunan niyang tanggapin ang kanyang tagumpay at magsabi sa sarili, "You deserve it."

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Read also

VP Sara Duterte, nilinaw ang kontrobersyal na pahayag tungkol sa 'assassination'

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate