Nadia Montenegro, nagbigay ng update matapos ang kanyang heart surgery
- Ibinahagi ni Nadia Montenegro na siya ay nakabalik na sa bahay at nagpapagaling matapos ang kanyang heart surgery
- Ipinaliwanag niya na sumailalim siya sa ablation procedure upang gamutin ang kanyang Wolff-Parkinson-White syndrome
- Sinabi ng kanyang anak na si Ynna Asistio na muntik nang ma-heart attack si Nadia bago ang operasyon
- Pinapasalamatan ni Nadia ang lahat ng nagdasal at nagpaabot ng suporta sa kanyang paggaling
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapos ang isang matagumpay na ablation procedure, ibinahagi ng aktres na si Nadia Montenegro na siya ay nasa proseso na ng paggaling. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Nadia, "I’m back home. I just need to heal a little,” upang mapawi ang pangamba ng kanyang mga tagasuporta at mahal sa buhay.
Ang nasabing procedure ay isinagawa upang gamutin ang kanyang Wolff-Parkinson-White (WPW) syndrome, isang bihirang kondisyon na nagdudulot ng mabilis na tibok ng puso dahil sa sobrang pathway ng signals sa pagitan ng mga chamber ng puso. Ayon kay Nadia, apat na catheter ang inilagay sa kanyang mga artery upang alisin ang sobrang nerve na nagdudulot ng irregular heartbeat.
Ibinahagi rin ng kanyang anak na si Ynna Asistio ang malubhang kalagayan ni Nadia bago ang operasyon. Ayon kay Ynna, "Last week, she came very close to having a heart attack," na nagresulta sa agarang pangangailangan ng operasyon. Bagamat nagkaroon si Nadia ng seizure matapos ang procedure, agad siyang na-stabilize at ngayon ay nagpapagaling.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pinasalamatan ni Nadia ang lahat ng nagdasal at nagpaabot ng suporta sa kanya, na aniya ay nagpatibay ng kanyang loob. “Prayers do move mountains, and of course we have a God who has been so faithful,” pahayag niya. Patuloy namang umaasa ang kanyang pamilya at mga tagahanga sa tuluyang paggaling ng aktres.
Si Nadia Montenegro ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula kagaya ng bulong Mo Sa Diyos, Prinsesang Gusgusin, Taray at Teroy at Stupid Cupid. Anak niya kay Boy Asistio ang aktres na si Ynna Asistio.
Noong 2022, matatandaang hindi napigilan ni Nadia na maglabas ng saloobin matapos malamang nalimas ang pera ng kanyang nanay sa isang Membership-only retail warehouse club chain.
Hindi tinigilan ni Nadia na maaksyonan ang nangyari sa kanyang ina habang namimili ito sa isang Membership-only retail warehouse club chain. Matapos niyang ibahagi sa social media ang karanasan ng kanyang ina, marami din umano ang mga nagpadala ng mensahe sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh