Neri Naig, nagbahagi ng birthday message sa anak na si Miggy

Neri Naig, nagbahagi ng birthday message sa anak na si Miggy

- Nagbahagi si Neri Naig ng emosyonal na birthday message para sa kanyang anak na si Miggy sa social media

- Pinuri niya ang pagiging mature, sweet, at mapagmahal ng anak sa kanilang pamilya

- Ibinahagi rin niya ang birong pagsakit ng ulo dahil sa mabilis at malalalim na Ingles ng anak

- Maraming netizens ang nagpaabot ng pagbati at paghanga sa pagiging hands-on mom ni Neri

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang taos-pusong pagbati ang ibinahagi ng aktres at negosyante na si Neri Naig-Miranda para sa kanyang panganay na anak na si Miggy, na nagdiwang ng kanyang ika-8 kaarawan. Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Neri ang pagmamahal at paghanga sa anak, na tinawag niyang "forever baby" kahit mabilis itong lumaki.

Neri Naig, nagbahagi ng birthday message sa anak na si Miggy
Neri Naig, nagbahagi ng birthday message sa anak na si Miggy
Source: Instagram

Sinabi ni Neri na tila 37-anyos na ang maturity level ni Miggy, at itinuring niya itong malaking biyaya sa kanilang pamilya. Ibinida rin niya ang pagiging sweet at gentleman ng anak, na laging nagpapahayag ng "I love you" at nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang mag-anak.

Read also

Arra San Agustin binahagi ang pananaw tungkol sa infidelity: "Hindi ako option"

"Sobrang nakakatunaw ng puso dahil palagi niyang iniisa-isa ang aming good qualities at pinaparamdam kung gaano niya kami na-appreciate," ani ni Neri. Gayunpaman, birong sinabi ng aktres na sumasakit ang kanyang ulo kapag kinakausap siya ni Miggy sa mabilis at malalalim na Ingles.

Bukod dito, inilarawan niya si Miggy bilang isang huwarang kuya na iniidolo ng nakababatang kapatid na si Cash. Tinapos ni Neri ang post sa mensaheng puno ng pagmamahal:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“We love you, Kuya Miggy! ‘I love you, anymore anymore! I love you so much that it hurts!’”

Umani ng suporta at pagbati mula sa mga tagahanga at netizens ang mensahe ni Neri para kay Miggy, na muling nagpamalas ng init at pagmamahal ng isang masayang pamilya.

Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Read also

Coco Martin, nagtapon ng P11-M; ipinagawang bahay pinatibag

Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo.

Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate