Zeinab, itinuring na blessing ang anak na si Lucas sa kabila ng pagkawala noon ng kanyang ate Tara

Zeinab, itinuring na blessing ang anak na si Lucas sa kabila ng pagkawala noon ng kanyang ate Tara

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang tungkol sa pagdating ng anak niyang si Lucas sa buhay nilang Harake Siblings

- Itinuring niyang blessing si Lucas lalo na at nagdadalamhati pa sila noon sa pagkawala ng kanyang ate Tara

- Bukod sa sayang dulot ni Lucas, sunod-sunod umano ang biyayang kanila noong natanggap

- Si Lucas ang itinuring na panganay na anak ni Zeinab Harake na sa kanyang murang edad ay pinanindigan na niya noon ang pagiging isang ina katuwang ng kanyang mga kapatid at mama

Sa pinakaunang podcast ni Zeinab Harake na naibahagi rin niya sa kanyang YouTube channel, Napag-usapan nilang magkakapatid ang pagdating ng panganay niyang anak na si Lucas sa kanilang pamilya.

Zeinab, itinuring na blessing ang anak na si Lucas sa kabila ng pagkawala noon ng kanyang ate Tara
Zeinab, itinuring na blessing ang anak na si Lucas sa kabila ng pagkawala noon ng kanyang ate Tara (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Matatandaang makailang beses nang nababanggit ni Zeinab ang tungkol sa pagkupkop nila ng kanyang pamilya kay Lucas at siya na talaga ang tumayong ina nito.

Ayon kay Zeinab, biyaya ang hatid ni Lucas na tila timing ang pagdating gayung labis pa sila noong nalulungkot sa pagpanaw ng kanyang nakatatandang kapatid na si Tara.

Read also

VP Sara Duterte, nilinaw ang kontrobersyal na pahayag tungkol sa 'assassination'

By the way guys ah, nung nawala si Ate dating ni Lucas. Kasi 2015 nawala si Ate.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"2017 dumating si Lucas, kaya di ba nga ang pangalan ni Lucas ang binigay po namin is Alexander,"
"Malungkot kami. Kaya nung nakita ko si Lucas, para sa'min siya and walang ibang pumasok sa utak ko, 'di ba ang unang sinabi ko ipangalan natin siya kay ate. Gawin natin siyang Alexander. Kasi Alexandria si Ate."

Nilinaw din ni Zeinab na hindi anak ng kanyang yumaong kapatid na si Tara si Lucas. Gayunpaman, labis-labis ang saya na dala nito sa Harake family.

"'Nung dumating si Lucas sa atin doon pumasok lahat ng blessings. Hindi ko sinasabi na ginagamit namin yung bata para sa blessing ah,"
"Kasi nung time naman na kinuha natin si Lucas, especially nung nag-decide ako na 'sige, ako na ang mommy niya, 'yun yung mga times na wala rin tayo e. Hindi tayo sigurado kung may pera... Estudyante tayo. Pero talagang pinush natin na 'kaya natin to, magkakasama tayo, baby ka namin, kami ang parents mo, kami ang magpapalaki sa'yo, and napatunayan natin yun hanggang ngayon. "yung pagmamahal natin sa kanya talagang nandodoon."

Read also

Dennis Padilla, ibinida ang kanyang collection ng magazine covers ni Julia Barretto

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber content creators sa bansa na mayroon nang 14.1 million subscribers sa kanyang channel. Isa sa malaking break ni Zeinab noong taong 2023 ay ang pagkakaroon ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang "Kampon" na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at Beauty Gonzales.

Samantala, patuloy na kinagigiliwan ang mga vlogs ni Zeinab lalo na kung kasama niya ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia. Gayundin ang kanyang fiancé na si Ray Parks Jr. na hayagang ipinakikita kung gaano kahalaga si Zeinab at mga anak nito sa kanya.

Katunayan sa engagment nina Zeinab at kanilang "Daddy Ray", nasabi ni Lucas ang mga katagang 'This is my dream', na umantig din sa puso ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica