Xian Gaza, nag-react sa alegasyong si AiAi Delas Alas ang nag-utos ng post tungkol kay Gerald

Xian Gaza, nag-react sa alegasyong si AiAi Delas Alas ang nag-utos ng post tungkol kay Gerald

- Pinabulaanan ni Xian Gaza ang akusasyong si AiAi Delas Alas ang nag-utos sa kanya na i-post ang tungkol kay Gerald Sibayan

- Nilinaw ni Xian na hindi pa sila nagkakausap ni AiAi at kamakailan lang sila nag-follow sa isa’t isa sa social media

- Matatandaang nais ni AiAi na makausap si Xian matapos ang kontrobersyal na open letter nito laban kay Gerald

- Wala pang pahayag si AiAi tungkol sa akusasyon habang inaabangan ng netizens ang susunod na kaganapan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mariing itinanggi ni Xian Gaza ang akusasyong si AiAi Delas Alas ang nag-utos sa kanya na ipost ang kontrobersyal na open letter laban sa asawa nitong si Gerald Sibayan. Ayon kay Xian, walang katotohanan ang naturang balita at tinawag niya itong "100% fake news."

Xian Gaza, nag-react sa alegasyong si AiAi Delas Alas ang nag-utos ng post tungkol kay Gerald
Xian Gaza, nag-react sa alegasyong si AiAi Delas Alas ang nag-utos ng post tungkol kay Gerald (AiAi Delas Alas, Christian Albert Gaza/Facebook)
Source: Facebook

"Hindi po totoo na si Madam Ai-Ai ang nag-utos sa akin para i-post si Gerald. Kaka-follow niya lang sa akin two nights ago. I follow her back. Hindi pa kami nagkakausap until now," paglilinaw ni Xian sa kanyang social media post.

Read also

AiAi Delas Alas, gustong makausap si Xian Gaza kasunod ng open letter nito sa kanya

Sa kabila ng kontrobersiya, pabiro pang sinabi ni Xian na baka ito na ang maging daan para magkaroon siya ng magandang kinabukasan sa Estados Unidos. Sa parehong post, ibinahagi rin niya na sinubukan niyang i-follow si Alex Gonzaga ngunit hindi ito nag-follow back sa kanya. "Eh 'di don’t... don’t give up," aniya.

Matatandaang nais ni AiAi Delas Alas na makausap si Xian matapos ang paglabas ng open letter nito, kung saan sinabi ng self-proclaimed "Pambansang Marites" na may ibang babae umanong nabuntis si Gerald Sibayan at iniwan si AiAi matapos makuha ang green card.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa Instagram, pabirong hinikayat ni AiAi si Xian na i-PM siya dahil hindi umano siya makapagkomento sa Facebook page nito. Sa ngayon, wala pang direktang pahayag ang aktres tungkol sa akusasyon habang inaabangan ng netizens ang susunod na kabanata ng kontrobersiya.

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Read also

Gee Canlas, nagparamdam sa social media matapos ang reklamo laban kay Archie Alemania

Hindi man sumagot si Ai-Ai delas Alas sa mga patutsada ni Chloe, agad namang rumesbak ang isang Facebook account na may pangalang Sophia Delas Alas na kilala bilang nag-iisang anak na babae ni Ai-ai. Kilala si Sophia sa pagiging matapang at hindi papayag na maagrabyado ang ina, lalo na’t ito’y patungkol sa personal na isyu.

Isang netizen ang nagsabing natakot daw si Chloe kaya daw nag-delete ito ng post nang magkomento ang anak ni Aiai. Depensa naman ni Chloe, hindi siya natakot at sa katunayan ay na-message pa siya sa mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate