AiAi Delas Alas, gustong makausap si Xian Gaza kasunod ng open letter nito sa kanya

AiAi Delas Alas, gustong makausap si Xian Gaza kasunod ng open letter nito sa kanya

- Nais ni AiAi Delas Alas na makausap si Xian Gaza matapos ang kontrobersyal na open letter nito na naglalaman ng akusasyon laban sa kanyang asawa

- Sa open letter ay sinabi ni Xian na may nabuntis na ibang babae si Gerald Sibayan at iniwan si AiAi matapos makuha ang green card

- Nag-post si AiAi sa Facebook na pabirong hinihikayat si Xian na i-PM siya dahil hindi siya makapagkomento sa Facebook page nito

- Hindi pa nagbibigay ng karagdagang reaksyon si AiAi tungkol sa mga akusasyon habang inaabangan ng netizens ang susunod na mangyayari

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpost sa social media ang batikang komedyanteng si AiAi Delas Alas matapos magpahayag ng kagustuhang makausap ang social media personality na si Xian Gaza. Ito ay kasunod ng kontrobersyal na open letter na isinulat ni Xian para kay AiAi na mabilis na nag-viral online.

AiAi Delas Alas, gustong makausap si Xian Gaza kasunod ng open letter nito sa kanya
AiAi Delas Alas, gustong makausap si Xian Gaza kasunod ng open letter nito sa kanya
Source: Facebook

Sa naturang open letter, inakusahan ni Xian Gaza ang asawang si Gerald Sibayan ng umano’y pangangaliwa. Ayon kay Xian, may ibang babae umanong nabuntis si Gerald at hinihintay na lamang na isiwalat ang tungkol dito sa susunod na taon. Dagdag pa ni Xian, ginamit lang umano si AiAi ng kanyang mas batang asawa upang umasenso sa buhay at makakuha ng green card sa Amerika.

Read also

Gee Canlas, nagparamdam sa social media matapos ang reklamo laban kay Archie Alemania

“Madam, may nabuntis na pong iba yung asawa mo. Wait mo na lang na i-reveal yung bata next year. Ganyan po talaga ang buhay, matapos kang gamitin para umasenso sa life at magkaroon ng green card sa US, iniwan ka na lang basta-basta noong ikaw ay senior citizen na,” bahagi ng open letter ni Xian.

Bilang tugon, nag-post si AiAi sa kanyang Facebook account at tila pabirong sinabi, “Christian Albert Gaza, PM mo naman ako. Di ako maka-comment sa Page mo eh. Hehehe.” Mukhang gustong makipag-usap ng komedyante kay Xian upang linawin ang mga isyung ibinato nito laban sa kanyang asawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pa nagbibigay ng karagdagang pahayag si AiAi Delas Alas hinggil sa nasabing akusasyon. Samantala, inaabangan naman ng netizens kung magkakaroon ba ng direktang pag-uusap ang dalawa, lalo na’t kilala si Xian Gaza sa pagiging prangka at kontrobersyal pagdating sa kanyang social media posts.

Patuloy na pinag-uusapan ng publiko ang kinasasangkutang isyung ito, at marami ang nag-aabang kung ano ang magiging susunod na hakbang ng beteranang aktres.

Read also

Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng nagpakilalang anak ni Ai-ai Delas Alas

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya. Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon.

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate