Gee Canlas, nagparamdam sa social media matapos ang reklamo laban kay Archie Alemania

Gee Canlas, nagparamdam sa social media matapos ang reklamo laban kay Archie Alemania

- Nagbigay ng pahayag si Gee Canlas sa social media matapos ang reklamo laban sa kanyang asawa na si Archie Alemania

- Sinabi ni Canlas sa kanyang post na ang katotohanan ay hindi kailangang ipilit dahil lalabas din an katotohanan

- Matatandaang binahagi ni Cristy Fermin na itinanggi ni Archie ang mga paratang ni Rita at nakipag-ugnayan na ito sa abogado para sa counter-affidavit

- Sinabi ni Rita sa kanyang reklamo na sinabihan siya ng bastos na mga salita, hinawakan sa maselang bahagi ng katawan, at hinalikan ni Archie

Nagbigay reaksyon si Gee Canlas, ang asawa ni Archie Alemania, sa social media matapos sampahan ng reklamo ang aktor ng acts of lasciviousness ni Rita Daniela. Makalipas ang dalawang linggo mula nang umabot sa publiko ang isyu, nag-post si Canlas nitong linggo, Nobyembre 17, ng isang mensahe na may black background.

Gee Canlas, nagparamdam sa social media matapos ang reklamo laban kay Archie Alemania
Gee Canlas, nagparamdam sa social media matapos ang reklamo laban kay Archie Alemania (@geecanlas/Instagram)
Source: Instagram

Sa kaniyang post, sinabi ni Canlas, "The truth doesn’t need defending; it speaks for itself," at idinagdag na “All will be answered in due time” bilang caption.

Read also

Chloe San Jose, nagmessage daw sa mag-inang Ai-ai at Sophia: "We'll see if they even reply"

Nagkaroon ng iba't ibang reaksyon ang mga netizens hinggil sa isyu.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa reklamo ni Rita noong Oktubre 30, inihayag niya na sinabihan siya ng bastos na mga salita ni Archie, hinawakan sa maselang bahagi ng katawan, at hinalikan. Itinanggi naman ng aktor ang mga paratang, ayon sa veteran showbiz insider na si Cristy Fermin. Ibinahagi ni Fermin na nang makausap niya si Archie, sinabi ng aktor na nakikipag-ugnayan na siya sa abogado para maghain ng counter-affidavit.

Matatandaang nagkasama sina Rita at Archie sa TV series na Widows’ War.

Si Rita Daniel ay isang Pilipinang mang-aawit, aktres, at host sa telebisyon. Nagsimula ang kanyang karera matapos siyang tanghalin bilang kauna-unahang grand champion ng QTV's PopStar Kids at mas nakilala pa siya sa kanyang pagganap bilang Aubrey Palomares sa “My Special Tatay.”

Sa isang naunang ulat ng KAMI, ang anak ni Rita na si Uno ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan. Kasabay ng kanyang kaarawan noong Disyembre 22, si Baby Uno ay nagkaroon ng Christian dedication. Noong Enero 4, nag-post si Rita sa social media ng mga magagandang larawan mula sa nasabing selebrasyon. Sa mga larawang kuha ng Nice Print Photography, makikitang masaya si Uno sa kanyang “PAW Patrol”-themed na party.

Read also

Chloe San Jose, sinabing 'fake account' ang Sophia Delas Alas na nag-comment sa post nya

Sa isa pang panayam kay Rita ni Boy Abunda, tinanong siya tungkol kay Julie Anne San Jose. Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong ni Boy kung nagseselos ba si Rita kay Julie Anne. Agad na sinagot ng celebrity mom, “Wala po, Tito Boy.” Matatandaang magkasama ang dalawang singer sa ‘Pop Star Kids,’ kung saan si Rita ang tinanghal na grand champion, habang si Julie Anne naman ay kabilang sa mga naging finalist.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate