Alden Richards, sinagot ang tanong kung nanliligaw ba siya kay Kathryn Bernardo

Alden Richards, sinagot ang tanong kung nanliligaw ba siya kay Kathryn Bernardo

- Sinagot ni Alden Richards ang diretsang tanong ni Boy Abunda kung nanliligaw ba ito kay Kathryn Bernardo

- Kaugnay ito ng umano'y closeness ng dalawa dahil na rin sa pelikula nilang ipinalalabas na ngayon, ang Hello Love Again

- Aminado ni Alden na kung anoman ang meron sa kanila ni Kathryn ngayon ay labis niyang pinahahalagahan

- Aniya, nakilala na rin niya ang pamilya nito na hindi raw umano iba ang trato sa kanya

Malaman ang naging sagot ni Alden Richards nang mausisa siya ni Boy Abunda kung nanliligaw na ba ito kay Kathryn Bernardo.

Alden Richards, sinagot ang tanong kung nanliligaw ba siya kay Kathryn Bernardo
Alden Richards, sinagot ang tanong kung nanliligaw ba siya kay Kathryn Bernardo (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Madalas na magkasama ang dalawa dahil sa ginawa nilang pelikula na ipinalalabas na ngayon sa mga sinehan, ang 'Hello Love Again.'

Ayon kay Alden, sa paggawa nila ng sequel ng nauna nilang pelikula na 'Hello Love Goodbye,' mas nakilala niya si Kathryn dahilan para magkaroon sila ng malalim na samahan.

"'Yung meron po kami ni Kath ngayon is I should say really deep and since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya. Our similarities and differences in how we view life. And sobrang naa-appreciate ko po 'yung mga bagay na ino-open up niya sakin and... welcoming me to her life, and of course the family, na-meet ko na rin po 'yung family"

Read also

AiAi, nang matanong ni Boy Abunda kung may third party: "Ramdam ko na meron"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabanggit din ni Alden ang pagpunta niya sa tahanan ng mga Bernardo.

"Nakakapunta po ako sa bahay nina Kath... 'pag kaya po ng oras."
"Nakita ko po kung gaano ka-humble yung family ni Kath. Pareho po kaming lumaki sa probinsya. Ako po sa Laguna, siya po sa Nueva Ecija, Cabanatuan. i see how similar our families are in terms of how we see life, how we deal every day. And yung pagiging makatao po. Kung ano si Kath, ang laking factor ng family."
"'Yung pagtrato po nila sa akin, hindi ko po naramdaman na ibang tao po ako"

Paglilinaw pa ni Alden, ayaw niyang madaliin ang bagay na namamagitan sa kanila ni Kathryn.

"Sa ngayon po, ayaw ko pong madaliin kung ano 'yung pinagdadaanan naming dalawa."

"Does she know your feelings?" tanong ni Boy. "I think she does," ang sagot naman ni Alden.

"The friendhip that we have right now is deep and special. Ang laking bagay po 'nun kasi nagagawa po namin ng tama yung mga bagay na dapat naming gawin in terms of the film. The time that we had when we were shooting in Canada, mas nakilala ko siya and how I see a great deal of myself in her."

Read also

AiAi, kinumpirmang hiwalay na sila ni Gerald sa mismong araw ng 60th birthday niya

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Alden mula sa Fast Talk with Boy Abunda:

Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang "KathNiel."

Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada. Kalaunan ay kinumpirma na ito at may title na "Hello Love Again." Kaya namang ngayong showing na ang naturang pelikula, inaasahang tatabo na naman ito ng milyon-milyon sa takilya.

Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica