Brenda Mage, masayang binahagi na natapos niyang pagawaan ng bahay ang mga kapatid nya
- Ibinahagi ni Brenda Mage ang katuparan ng kanyang pangako sa yumaong ama na ipagpagawa ng bahay ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng kinikita niya sa social media
- Ayon kay Brenda, ipinagmamalaki niya ang lahat ng kanyang napundar para sa pamilya dahil sa suporta ng kanyang mga followers
- Pinuri niya ang mga sumusuporta sa kanya mula noong nagsisimula pa lamang siya sa social media hanggang sa kanyang tagumpay ngayon
- Hinikayat ni Brenda ang kanyang followers na huwag sumuko sa kanilang mga pangarap, katulad ng pagtupad niya sa kanyang pangako sa ama
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Masayang ibinahagi ng social media influencer at komedyanteng si Brenda Mage ang katuparan ng kanyang pangako sa yumaong ama na ipagpagawa ng bahay ang kanyang pamilya.
Sa isang emosyonal na post sa kanyang social media account, ibinalik-tanaw ni Brenda ang pangakong binitiwan niya noong 2016 bago pumanaw ang kanyang ama: “Pa, kung pagod ka na, magpahinga ka na. Ako na bahala sa pamilya natin, ako na ang magiging ama at tutupad sa mga pangarap mo bilang ama.”
Ayon kay Brenda, nagawa niyang tuparin ang pangakong ito sa pamamagitan ng kanyang kinikita bilang social media personality. Inamin din niya na bagama’t may mga nagsasabing siya’y nagyayabang, ipinapakita lamang niya ang bunga ng kanyang pagsusumikap.
Aniya, “Pasensya na po, ito na talaga ang source of income ko ang SocMed… at malaking parte kayong mga followers ko sa mga narating at napundar ko para sa pamilya ko.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Buong puso ang pasasalamat ni Brenda sa lahat ng sumuporta sa kanya mula sa simula ng kanyang karera. “Maraming salamat po sa inyo. Bawat haligi ng bahay namin, bahagi po kayo at utang na loob ko po ‘yon sa inyo,” dagdag pa niya. Pinuri rin niya ang mga sumusuporta sa kanya at hinikayat ang mga ito na huwag sumuko sa kanilang mga pangarap: “Nakaya ko, kaya n'yo rin.”
Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.
Matatandaang isinapubliko ni Brenda ang tungkol sa paghihiwalay nila ng boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa kanyang video na binahagi ay makikitang hawak niya ang isang teddy bear na niregalo sa kanya sa kanilang anniversary.
Nag-post si Brenda tungkol sa mga negative comments sa kanya kasunod ng breakup nila ni Gio Sta. Ana. Binahagi niya ang kanyang mensahe kalakip ang kanyang picture na nagpapakita na hindi siya apektado sa mga negatibong komento
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh