Ai-ai, sa green card application ni Gerald sa Amerika: "Parang help ko na yon sa kanya"

Ai-ai, sa green card application ni Gerald sa Amerika: "Parang help ko na yon sa kanya"

- Inamin ni Ai-Ai Delas Alas na hiniwalayan siya ni Gerald Sibayan sa pamamagitan lamang ng text message ngunit tiniyak niyang hindi babawiin ang green card petition nito

- Ipinaliwanag ni Ai-Ai na bilang green card holder, siya ang nagpetisyon para sa legal na status ni Gerald sa Amerika at nais niya itong tulungan

- Sa panayam ni Boy Abunda, sinabi ni Ai-Ai na bagama’t nasaktan siya, hindi niya pababayaan ang dating asawa at gusto pa rin niyang maging maayos ang buhay nito

- Ibinahagi ni Ai-Ai ang hirap na dulot ng kanilang long-distance relationship, kabilang ang jetlag at eye twitching dahil sa pabalik-balik na biyahe sa Amerika at Pilipinas

Ibinunyag ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas ang masakit na katotohanang hiniwalayan siya ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan sa pamamagitan lamang ng text message. Sa kabila nito, tiniyak ni Ai-Ai na hindi niya babawiin ang green card petition para kay Gerald, na magbibigay rito ng legal na status sa Amerika.

Read also

Mensahe ni Ai-Ai kay Gerald: "I wish you all the happiness na hinahanap mo”

Ai-ai, sa green card application ni Gerald sa Amerika: "Parang help ko na yon sa kanya"
Ai-ai, sa green card application ni Gerald sa Amerika: "Parang help ko na yon sa kanya"
Source: Youtube

Sa panayam ni Ai-Ai sa “Fast Talk With Boy Abunda” noong Lunes, Nobyembre 11, 2024, ipinahayag niya na bilang isang green card holder, siya ang nagpetisyon kay Gerald bilang asawa, at approved na ang petisyon na ito. "Naghihintay lang siya ng green card," paglilinaw ni Ai-Ai.

Nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa mga spekulasyon na maaaring bawiin niya ang petition, sinabi ni Ai-Ai na bagama’t nasaktan siya at nagalit noong una, hindi niya gagawin iyon.

Aniya, "Siyempre, kapag initial, buwisit ka, kung anu-ano ang nasasabi mo, pero hindi ko naman gagawin ‘yon.” Dagdag pa niya, “Husband ko pa rin siya at parang help ko na ‘yon sa kanya para magkaroon siya ng legal status sa Amerika.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng kanilang hiwalayan, ibinahagi ni Ai-Ai na patuloy pa rin niyang tinutupad ang kanyang mga responsibilidad bilang asawa, kahit na labis siyang naapektuhan.

Ayon sa kanya, hirap siyang balansihin ang kanyang oras dahil sa jetlag mula sa madalas na biyahe sa pagitan ng Amerika at Pilipinas upang samahan si Gerald. “Actually, nagkaroon ako ng eye twitching dahil siguro sa sobrang jetlag… ginagawa ko pa rin ang mga obligasyon ko as a wife,” pahayag ni Ai-Ai.

Read also

AiAi, nang matanong ni Boy Abunda kung may third party: "Ramdam ko na meron"

Patuloy na nagpapakita si Ai-Ai ng kabutihang-loob sa kabila ng mga hamon, na nagbigay inspirasyon sa marami dahil sa kanyang pagiging bukas-palad at pag-unawa sa kabila ng sakit na nararanasan.

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang asawang si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya. Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon.

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate