Coco Martin, ipinaliwanag ang pagpatay sa ilang karakter ng 'Batang Quiapo'

Coco Martin, ipinaliwanag ang pagpatay sa ilang karakter ng 'Batang Quiapo'

  • Ipinaliwanag ni Coco Martin ang desisyon ng “FPJ’s Batang Quiapo” production na patayin ang ilang pangunahing karakter
  • Bahagi ng daloy ng kuwento ang mga nakakagulat na eksena para mabigyang-diin ang iba pang mahalagang karakter
  • Mas pinili ng production na panatilihing mataas ang intensity ng mga eksena kahit holiday season
  • Pinaghahandaan na ng team ang mas malalaking pasabog para sa ikalawang anibersaryo ng teleserye sa Pebrero 2025

Nagbigay-linaw ang King of Teleserye na si Coco Martin sa desisyon ng production team ng “FPJ’s Batang Quiapo” na tapusin ang ilang pangunahing karakter sa serye.

Coco Martin, ipinaliwanag ang pagpatay sa ilang karakter ng 'Batang Quiapo'
Coco Martin, ipinaliwanag ang pagpatay sa ilang karakter ng 'Batang Quiapo'
Source: Instagram

Ikina-shookt ng mga manonood ang sunod-sunod na pagkawala ng mga karakter nina Lena (Mercedes Cabral), Noy (Lou Veloso), at iba pa, lalo na’t nalalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Coco, bahagi ito ng natural na daloy ng kuwento at kinakailangang mangyari upang mabigyang-diin ang mga bagong twists sa istorya. “Hinog na siya. Gusto ko kahit anong okasyon, dire-diretso ang kuwento kasi maraming interesting characters na dapat bigyan ng focus,” paliwanag niya sa panayam ng ABS-CBN.

Read also

Kiray Celis, proud na ibinandera ang tagumpay sa 2024

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kabaligtaran sa karaniwang practice ng mga teleserye na nag-i-slow down tuwing holiday season, mas pinili nina Coco at ng team na panatilihing mataas ang intensity ng mga eksena. Ani Coco, "Natutuwa kami dahil kahit December, ramdam namin ang pagmamahal at suporta ng mga manonood sa mataas na ratings."

Bukod sa kasalukuyang mga eksena, mas pinaghahandaan na rin ng production team ang mga pasabog para sa 2025, kasabay ng selebrasyon ng ikalawang anibersaryo ng “Batang Quiapo” sa Pebrero. Tiniyak ni Coco na mas malalaki at nakakagulat na mga eksena ang mapapanood sa bawat episode.

Si Coco Martin ay isang kilalang aktor at director sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula, lalo na sa kanyang mga proyekto sa ABS-CBN. Ang kanyang pinaka-tanyag na papel ay bilang si "Cardo Dalisay" sa hit action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano," na umere mula 2015 hanggang 2022.

Read also

Ice Seguerra, kinaaliwan sa kanyang todo-bigay na 'Salamin' dance

Hindi mapagkaila ni Celia Rodriguez ang labis na paghanga niya sa kabutihan ng aktor na si Coco Martin. Kahanga-hanga ang pagtulong ng Batang Quiapo actor kahit hindi niya ito personal na kilala. Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco. Wala raw siyang ibang nasabi sa aktor kundi alagaan ang sarili gayung kailangan pa siya ng industriya.

Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, kapwa nagmukhang nalilito sina Carlos Yulo at Coco kung sino ang dapat maging fanboy ng isa't isa. Ngunit naunahan ng Olympic twin-gold medalist ang aktor-director nang hilingin niyangmakapagpa-picture dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate