Dennis Padilla, nag-react sa pagka-blur ng mukha sa pelikulang “Luck At First Sight”

Dennis Padilla, nag-react sa pagka-blur ng mukha sa pelikulang “Luck At First Sight”

- Nag-react si Dennis Padilla sa pagka-blur ng kanyang mukha sa ilang eksena ng pelikulang Luck At First Sight na gawa ng VIVA Films

- Napansin ng Facebook page na Goldwin Reviews ang selective na pag-blur ng kanyang mukha sa isang hospital scene ng pelikula, na agad na naging paksa ng diskusyon sa social media

- Sinubukan ni Dennis na humingi ng paliwanag mula sa co-producer ng pelikula na si Neil Arce, ngunit ipinaliwanag nito na ang VIVA Films ang may buong karapatan sa pelikula

- Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang VIVA Films, kaya't nananatiling palaisipan sa mga fans at entertainment community ang dahilan sa selective blurring ng mukha ni Dennis

Nag-react ang aktor na si Dennis Padilla sa pagka-blur ng kanyang mukha sa ilang eksena ng pelikulang Luck At First Sight na pinamahalaan ng VIVA Films at pinagbibidahan nina Bela Padilla at Jericho Rosales.

Read also

Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya

Dennis Padilla, nag-react sa pagka-blur ng mukha sa pelikulang “Luck At First Sight”
Dennis Padilla, nag-react sa pagka-blur ng mukha sa pelikulang “Luck At First Sight”
Source: Instagram

Unang napansin ng Facebook page na Goldwin Reviews ang detalye sa isang eksena sa ospital sa bandang 54-minuto ng pelikula, kung saan nagiging blur ang mukha ni Dennis sa ilang anggulo habang sa iba ay malinaw ito. Ang obserbasyong ito ay agad na kumalat sa social media at nagdulot ng diskusyon sa mga manonood, na nagtatanong kung bakit ang blur ay tila selective lamang.

Upang makuha ang reaksyon ni Dennis, nakipag-ugnayan ang showbiz reporter na si Ogie Diaz sa aktor. Nagulat si Dennis sa balita at agad na kumontak kay Neil Arce, isang co-producer ng pelikula, upang magtanong tungkol dito. Ipinaliwanag ni Neil na wala siyang eksaktong sagot dahil ang VIVA Films ang may buong karapatan sa pelikula at sila ang dapat magbigay-linaw sa isyu.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa mga haka-haka, posibleng may kinalaman ang selective blurring sa mga usaping kontraktwal o sa proseso ng post-production na may kaugnayan sa licensing terms. Sa kasalukuyan, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang VIVA Films ukol sa isyu, dahilan upang manatiling palaisipan sa mga fans at showbiz community ang tunay na dahilan sa selective blurring ng mukha ni Dennis Padilla sa Luck At First Sight.

Read also

Rendon Labador, nagkomento sa picture ni Diwata na may kagat na tuyo

Si Dennis Padilla o Dennis Esteban Dominguez Baldivia ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ni Dencio Padilla, at siya ang ama ni Julia Barretto. Nagsilbi siya bilang konsehal ng Caloocan City noong 2001.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day.

Samatala, isang sulat ang binahagi ni Dennis kung saan nilabas niya ang saloobin tungkol sa kanyang pagiging ama. Aminado siyang pinagsisihan niya ang mga maling bagay na kanyang nagawa sa kanyang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate