Sofia Andres, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagmamahal

Sofia Andres, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagmamahal

- Nagbahagi si Sofia Andres ng mensahe sa Threads tungkol sa mga hamon ng pagmamahal at pagpapatawad

- Sinabi niyang may mga tao na kahit gaano karaming pagmamahal ang ibigay ay hindi ito nararamdaman gaya ng inaasahan

- Binanggit din niya na madalas nating buksan ang puso sa kabila ng nakikitang mga babala sa pag-asang magiging mas maayos ang relasyon

- Pinasalamatan ni Sofia ang mga tagasubaybay na nakarelate sa kanyang mga pahayag at ipinahayag ang kahalagahan ng pagmamahal kahit hindi ito nasusuklian

Nagbigay ng makahulugang mensahe ang aktres na si Sofia Andres sa social media platform na Threads, na tila nagpapahiwatig ng kanyang mga saloobin tungkol sa mga hamon ng pagmamahal at pagpapatawad sa kabila ng paulit-ulit na sakit.

Sofia Andres, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagmamahal
Sofia Andres, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagmamahal
Source: Instagram

Ibinahagi ni Sofia ang kanyang pananaw sa pag-ibig at pagtanggap, sa kabila ng hindi pagkilala ng iba sa kanyang mga pagsisikap. "No matter how much love you pour into some people, they may never feel it the way you intend," ani Sofia.

Read also

Julia Montes, binahagi ang kanyang pagbati sa kaarawan ni Coco Martin

Dagdag pa niya, may mga tao raw na nasasaktan na, kaya’t madalas ay nakakasakit din ng iba, ngunit tinatanggap niya ito nang maluwag, sa kabila ng hirap ng ganitong sitwasyon.

Sofia Andres, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagmamahal
Sofia Andres, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagmamahal
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinabi rin ng aktres na, "The truth is… you see the red flags, but you still open the door, hoping the bond might grow into something better." Ayon sa kanya, may pagkakataon na nakikita na natin ang mga babala ngunit pinipili pa rin nating buksan ang ating puso sa pag-asang magiging mas maganda ang relasyon sa kalaunan.

Sofia Andres, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagmamahal
Sofia Andres, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagmamahal
Source: Instagram

Pinukaw ni Sofia ang damdamin ng maraming netizens sa kanyang mga salita, at ipinahayag ang masakit na katotohanan tungkol sa pagmamahal at mga inaasahan. Binigyang-diin niya na ang bawat karanasan ay may natutunan at may kapayapaan sa pagbibigay ng pagmamahal, kahit hindi ito laging nasusuklian ng inaasahan.

Read also

Kris Aquino, Nakalabas na ng ospital ayon sa malapit na kaibigang si Dindo Balares

Si Sofia Andres ay isang aktres at commercial model. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga palabas kagaya ng She's Dating the Gangster, Relaks, It's Just Pag-Ibig, Forevermore, Pusong Ligaw at Bagani.

Sa pagdiriwang ng ika-3 kaarawan ng anak nina Sofia at Daniel na si Zoe ng Nobyembre at isang birthday party ang kanilang inihanda. Ginanap nila ang party sa Palazzo Verde.

Matapos mag-post ni Daniel Miranda ng picture nila ng anak na si Zoe Miranda kalakip ng kanyang pagbati, marami ang nagkomento at nagtanong kung bakit hindi nila kasama si Sofia. Kasunod nito ay nag-post din si Sofia ng Christmas photo nilang dalawa ni Zoe at hindi din nila kasama si Daniel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate