Kris Aquino, Nakalabas na ng ospital ayon sa malapit na kaibigang si Dindo Balares
- Nakalabas na ng Makati Medical Center si Kris Aquino ayon sa kanyang kaibigang si Dindo Balares
- Ipinahayag ni Kris ang kanyang hangaring makabalik sa pagtulong sa mga nangangailangan matapos ang kanyang pagrekober
- Inamin ni Kris na may mga sandali ng matinding sakit ngunit nananatiling positibo siya sa kanyang paggaling
- Hinikayat niya ang kanyang mga tagasunod na patuloy na manalangin at manalig
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ikinatuwa ng mga tagahanga ni Kris Aquino ang balitang nakalabas na siya ng Makati Medical Center, ayon sa post ng kanyang matalik na kaibigan at showbiz columnist na si Dindo Balares. Sa isang update sa social media, ibinahagi ni Dindo ang mensahe ni Kris sa kanyang mga followers, kung saan sinabi nitong excited na siyang makabalik sa pagtulong sa mga nangangailangan sa kabila ng mga pagsubok sa kalusugan.
Ayon kay Kris, ang kanyang inspirasyon ay ang makapagtrabaho muli upang makapagbahagi para sa mga nangangailangan, lalo na sa mga relief efforts. Sa kabila ng mga sakit na nararanasan niya, nananatiling positibo si Kris, at binanggit niyang hindi niya nais na malungkot ang kanyang mga tagasunod.
"I don't want sadness for my followers. Because I want them to continue praying. We all need to have faith although, Kuya Dindo aamin ako- sa sobrang sakit there are moments I really can't help but cry" aniya kay Dindo, bagaman inamin niyang may mga sandaling hindi niya mapigilan ang pagluha dahil sa sobrang sakit.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Inaasahan ng kanyang mga kaibigan at fans na magtutuloy-tuloy na ang kanyang paggaling, gamit ang hashtag na #TuloyAngLaban, Krisy.
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.
Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh