Yeng Constantino, inimbitahang kumanta sa kasal ni Ryan Bang: 'Ang saya ko para sa 'yo'
- Inanyayahan ni Ryan Bang si Yeng Constantino sa kanyang nalalapit na kasal kay Paola Huyong sa “It’s Showtime”
- Nagkaroon ng nakatutuwang interaksiyon ang dalawa tungkol sa kasal at kung dadalo ba si Yeng
- Ipinahayag ni Yeng ang kanyang kasiyahan para kay Ryan sa pamamagitan ng pagbati at mga mensahe ng suporta
- Muling bumalik ang alaala ng kanilang nakaraan nang lumutang ang kwento ng panliligaw ni Ryan kay Yeng noong 2022
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang nakakatuwang segment sa “It’s Showtime,” inanyayahan ni Ryan Bang ang dating kasamahan sa trabaho at minsang niligawan na si Yeng Constantino sa kanyang nalalapit na kasal kay Paola Huyong. Sa kanilang masiglang interaksiyon sa palabas, tinanong ng mga host si Yeng kung dadalo ba ito sa kasal ni Ryan.
“Ako, nag-iintay lang ako ng invitation eh,” sagot ni Yeng na may bahid ng biro. Hindi nag-atubili si Ryan at tinanong si Yeng kung dadalo ito sa kanyang kasal, at sa isang matamis na tugon, sumang-ayon ang “Hawak Kamay” hitmaker.
Nang pabirong tanungin ng mga host kung aawit din ba si Yeng sa kasal, sumagot ito nang pabiro, “Gusto niyo sa bahay niyo puntahan ko kayong dalawa eh.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi ni Yeng ang kanyang pagbati at kasiyahan para kay Ryan, sinasabing, “Ang saya ko. Ang saya ko para sayo.” Tila puno ng saya ang dalawa habang sinariwa ang kanilang nakaraan, na muling lumutang noong 2022 sa naturang programa. Sa muling paggunita ng kanilang kwento, lumitaw na si Ryan ay nanligaw kay Yeng at pagkatapos ay tila naglaho nang walang paalam.
Hunyo ng kasalukuyang taon nang nag-propose si Ryan sa kanyang kasintahan na si Paola, samantalang si Yeng ay kasal na kay Yan Asuncion mula pa noong 2015.
Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalaunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.
Nakasama ni Ryan ang co-host niya sa It's Showtime na si Cianne Dominguez sa kanyang vlog. Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati.
Naibahagi ni Ryan Bang sa madlang people na may girlfriend na siya. Nakwento ni Vice Ganda ang ginawa ni Ryan na pagtext sa kanya para ibalita ito. Si Vice Ganda raw ang una niyang sinabihan dahil ani Ryan ay dapat si Vice Ganda ang unang makaalam. Ani Vice Ganda, tinawagan niya si Ryan at naiyak daw ito nang makausap niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh