Gerald Anderson, nagpasalamat sa naging bahagi ng paghatid ng donasyon sa Batangas

Gerald Anderson, nagpasalamat sa naging bahagi ng paghatid ng donasyon sa Batangas

- Naghatid ng donasyon si Gerald Anderson sa mga residente ng Batangas bilang suporta sa kanilang pangangailangan

- Pinahayag niya ang pasasalamat sa lahat ng nagbigay at tumulong, kabilang ang District Commander ng Coast Guard Batangas

- Ayon kay Gerald, lubos na naapektuhan ang mga taga-Batangas ngunit ramdam nila ang pagmamahal at suporta mula sa mga nag-donate

- Kasama niya sa operasyon sina Capt. Lejanie Dy, Capt. Barrameda, PCGA Junjun Aniscal, at Jen Aniscal

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Buong puso ang pasasalamat ng aktor na si Gerald Anderson sa naging matagumpay na paghahatid ng donasyon para sa mga taga-Batangas. Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Gerald ang sitwasyon ng mga residente ng Batangas at ang kanilang kasalukuyang pangangailangan, lalo na sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap ng komunidad.

Gerald Anderson, nagpasalamat sa naging bahagi ng paghatid ng donasyon sa Batangas
Gerald Anderson, nagpasalamat sa naging bahagi ng paghatid ng donasyon sa Batangas
Source: Instagram

"All your donations and support has been delivered today to Batangas," ani Gerald. "No words can express how much this means to the people of Batangas." Ibinahagi rin niya ang kanyang natunghayang kalagayan ng lugar at sinabing “Grabe po ang situation nila,” ngunit dahil sa pagtutulungan ng mga nagbigay ng donasyon, aniya, naramdaman ng mga residente ang pagmamahal at suporta mula sa kanilang kapwa.

Read also

Jhong Hilario, binahagi ang video ng kanilang paghahanda sa Magpasikat

Nagpasalamat si Gerald sa District Commander ng Coast Guard Batangas, pati na rin kina Capt. Lejanie Dy at Capt. Barrameda, sa kanilang buong suporta sa misyon. "Snappy Salute Sir," dagdag pa niya, bilang pagpupugay sa lahat ng tumulong sa operasyon kasama ang PCGA Junjun Aniscal at Jen Aniscal.

Patuloy ang pagbuhos ng suporta mula sa mga tagasuporta ni Gerald at ng mga concerned citizens na naging bahagi ng relief operation para sa Batangas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Read also

Willie Revillame, iniabot ang P3M na tulong kay Leni Robredo para sa mga nasalanta ng bagyo

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate