Sylvia Sanchez, umaasa makitang muli ang ama matapos ang dekada ng pagkakawalay

Sylvia Sanchez, umaasa makitang muli ang ama matapos ang dekada ng pagkakawalay

- Nalaman ni Sylvia Sanchez ang address ng kaniyang ama at umaasa siyang makuha ang inaasam na closure matapos ang ilang taon ng pagkakawalay

- Inilahad ni Sylvia sa Fast Talk with Boy Abunda kung paano niya tinaguyod ang pamilya bilang breadwinner matapos iwanan ng ama

- Sinabi niyang naging inspirasyon pa rin niya ang ama sa kabila ng pag-abandona nito, dahilan upang magsikap siya sa showbiz

- Inalala ni Sylvia ang sandali noong 1992 kung saan tuluyan niyang napatawad ang ama habang tinatanggap ang Best Supporting Actress award

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos ang ilang taon ng paghihintay, sa wakas ay nakuha na ni Sylvia Sanchez ang address ng kaniyang amang si Robert Ocampo. Ngunit hindi sigurado ang aktres kung buhay pa ito, dahil iba't ibang balita ang kaniyang naririnig tungkol sa kalagayan nito. Gayunpaman, hangad pa rin ni Sylvia na makaharap ang ama upang makakuha ng inaasam na closure.

Read also

Miss Grand Myanmar, nagpaliwanag kung bakit siya naiyak

Sylvia Sanchez, umaasa makitang muli ang ama matapos ang dekada ng pagkakawalay
Sylvia Sanchez, umaasa makitang muli ang ama matapos ang dekada ng pagkakawalay
Source: Youtube

Sa panayam ni Sylvia kay Boy Abunda sa Fast Talk, ikinuwento niya kung paano siya nagsilbing breadwinner para sa kaniyang ina at mga kapatid, sakripisyong ginawa niya matapos umalis at magtrabaho sa ibang bansa ang kaniyang ama.

Bagaman paminsan-minsan ay umuuwi ito, hindi na nagpakita pa si Robert mula noong siya ay nasa ikaanim na baitang. Sa kabila ng pag-iwan, inamin ni Sylvia na naging inspirasyon pa rin niya ang ama upang magsumikap sa kaniyang karera sa showbiz.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Sylvia, nasa Brazil ang huling balitang natanggap nila tungkol sa ama ngunit walang eksaktong lugar o impormasyon. Muling binalikan ni Sylvia ang isang makapangyarihang sandali noong 1992, nang tanggapin niya ang kaniyang Best Supporting Actress award sa Metro Manila Film Festival, kung saan napatawad niya ang kaniyang ama. “Papa, dahil sa’yo kaya nakuha ko 'to,” ani Sylvia, na sinabayan pa ng panawagan noon upang makita at mayakap ang ama, kahit isang beses lamang.

Read also

Ogie D, tuloy umano ang tulong ni Angel Locsin: "I'm sure nakasuporta si Angel"

Sa kabila ng lahat, hangad pa rin ni Sylvia na makita ang ama, hindi para humingi ng paliwanag o paghingi ng tawad, kundi para sa simpleng yakap na matagal na niyang pinapangarap.

Si Sylvia Sanchez ay isang kilalang aktres sa Pilipinas na sumikat sa industriya ng showbiz mula dekada '80 hanggang kasalukuyan. Ilan sa kaniyang mga kilalang proyekto sa telebisyon ay ang "Be Careful With My Heart," "The Greatest Love," at "Nang Ngumiti Ang Langit." Bukod sa kaniyang pagiging aktres, kilala rin siya na ina nina Arjo Atayde at Ria Atayde.

Matatandaang naibahagi ni Sylvia na nawalan siya ng hikaw nang magpunta sila sa Japan. Sa ulat ni Salve Asis ng Philstar.com, naibahagi niyang 10 carat diamond earring ang kanyang nawala.

Ibinida naman ni Sylvia ang mga sweet na videos at pictures ng mag-asawang Arjo Atayde at Maine sa kanyang post kamakailan. Kasama si Sylvia sa pagbabakasyon ng mag-asawa at masaya daw siyang makitang masaya ang dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: