Kris Aquino, muling sumailalim sa panibagong procedure pero nais pa sumali sa relief operations

Kris Aquino, muling sumailalim sa panibagong procedure pero nais pa sumali sa relief operations

- Ibinahagi ni Dindo Balares ang pag-uusap nila ni Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan at ang kanyang pagnanais na makibahagi sa relief operations

- Magkakaroon ng panibagong procedure si Kris ngayong gabi sa Makati Medical Center

- Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagawa pa ni Kris na aliwin ang kaibigan

- Ipinahayag ni Dindo na nakaramdam ng guilt si Kris dahil siya ang kailangang pasayahin habang siya mismo ay may pinagdaraanan

Muling nagbigay ng update ang malapit na kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares kaugnay sa kalusugan ni Kris. Sa kanilang pag-uusap, ibinahagi ni Dindo ang mga saloobin ni Kris, na sa kabila ng kanyang mga personal na pinagdadaanan ay mabilis pa rin itong makatunog sa pangangailangan ng iba.

Kris Aquino, muling sumailalim sa panibagong procedure pero nais pa sumali sa relief operations
Kris Aquino, muling sumailalim sa panibagong procedure pero nais pa sumali sa relief operations
Source: Instagram

Ayon kay Dindo, “You know Krisy, kahit may mga pansariling pinagdadaanan, napakabilis makatunog kung kailangan mong magtanggal ng mga kalawang sa panga at ngala-ngala. Matagal-tagal na akong 'di tumatawa ng napakalakas, ngayong umaga lang uli.”

Read also

Maris Racal, nakatanggap ng warm welcome matapos mag-volunteer sa Angat Buhay Foundation

Ipinabatid din ni Dindo na tumawag si Kris upang ipaalam na papasok siya ngayong gabi sa Makati Medical Center para sa isa na namang procedure. Nakaramdam siya ng guilt dahil siya ang kailangang pasayahin, ngunit siya pa ang nagbigay aliw sa kanyang mga kaibigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maikakaila na labis ang kanyang pagnanais na makibahagi sa mga relief operations para sa mga nangangailangan. Sa kabila ng mga hamon sa kanyang kalusugan, patuloy na ipinapakita ni Kris ang kanyang malasakit sa kanyang kapwa.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.

Read also

Alex Gonzaga, nagbihis 'Ana' sa Hongkong Disneyland; reaksiyon ni Seve, kinaaliwan

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate