Jhong Hilario, binahagi ang video ng kanilang paghahanda sa Magpasikat

Jhong Hilario, binahagi ang video ng kanilang paghahanda sa Magpasikat

- Binahagi ni Jhong Hilario ang behind-the-scene clip ng kanilang paghahanda para sa kanilang Magpasikat performance kasama sina Jackie Gonzaga at Ciane Dominguez

- Makikita sa video clip na binahagi niya ang tagpo kung saan naaksidente siya habang ginagawa ang stunt sa 'Wheel of Death'

- Nabanggit ni Jhong na kinailangang tahiin ang tinamo niyang sugat sa naturang aksidente pero aniya ay worth it naman ang lahat ng kanilang paghihirap dahil sa naipahatid nilang mensahe tungkol sa mental health awareness

- Tinanghal na first runner up ang grupo nina Jhong sa pagtatapos ng kanilang Magpasikat week bilang pagdiriwang sa ika-15 taong anibersaryo ng It's Showtime

Sa isang video na ibinahagi ni Jhong Hilario sa social media, ipinasilip niya ang ilang behind-the-scenes ng kanilang matinding paghahanda para sa Magpasikat performance kasama sina Jackie Gonzaga at Ciane Dominguez.

Jhong Hilario, binahagi ang video ng kanilang paghahanda sa Magpasikat
Jhong Hilario, binahagi ang video ng kanilang paghahanda sa Magpasikat
Source: Instagram

Makikita sa clip ang isang mapanganib na eksena kung saan naaksidente si Jhong habang ginagawa ang stunt na "Wheel of Death." Ayon sa aktor, kinailangan siyang tahiin dahil sa tinamong sugat, ngunit sinabi niya na sulit ang lahat ng kanilang hirap at sakripisyo upang maihatid ang mensahe tungkol sa mental health awareness.

Read also

Nawat Itsaragrisil, nagsalita na kaugnay sa kontrobersiyal na kaganapan sa MGI coronation

Ang grupo nina Jhong, Jackie, at Ciane ay nakamit ang first runner-up na puwesto sa pagtatapos ng Magpasikat week, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-15 taong anibersaryo ng It’s Showtime. Umani sila ng papuri mula sa mga manonood dahil sa kanilang tapang at dedikasyon, gayundin sa pagpapahayag ng mahalagang mensahe tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng isip.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate