Kris Aquino, binahagi ang biro ni Bimby nang sabihin niya ang tungkol sa cancer scare

Kris Aquino, binahagi ang biro ni Bimby nang sabihin niya ang tungkol sa cancer scare

- Ibinahagi ni Kris Aquino ang nakakatawang reaksyon ni Bimby sa kanyang cancer scare

- Sinabi ni Bimby na hindi raw excited si Tito Noy na magkita sila agad sa langit dahil sa kapayapaan doon

- Naging emosyonal si Kris dahil sa pagkakatulad ng blood type nila ng kanyang ina at lola na parehong nagkaroon ng colon cancer

- Kinaaliwan ng netizens ang biro ni Bimby sa gitna ng seryosong sitwasyon ng kalusugan ng kanyang ina

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinaaliwan ng netizens ang huling post ni Kris Aquino sa Instagram, kung saan ibinahagi niya ang isang nakakaaliw na biro ng kanyang anak na si Bimby tungkol sa kanyang kalusugan.

Kris Aquino, binahagi ang biro ni Bimby nang sabihin niya ang tungkol sa cancer scare
Kris Aquino, binahagi ang biro ni Bimby nang sabihin niya ang tungkol sa cancer scare
Source: Instagram

Sa gitna ng kanyang pagsubok, nagbigay ng katuwaan si Bimby nang sinagot ang kanyang ina, "I don't think Tito Noy is excited to have a reunion with you this soon because he's enjoying the peace and quiet in Heaven..."

Read also

Charo Santos, opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist

Ang birong ito ay umani ng maraming reaksyon mula sa netizens, na nagustuhan ang pagiging light-hearted ng bata sa kabila ng mabigat na sitwasyon.

Matatandaang kamakailan ay inamin ni Kris na nagkaroon siya ng matinding pangamba sa kanyang kalusugan, lalo na’t parehas sila ng blood type ng kanyang ina, si dating Pangulong Cory Aquino, at ng kanyang lola, na parehong nagkaroon ng colon cancer. Dahil dito, hindi maiiwasang mag-alala si Kris na baka maranasan niya rin ang parehong sakit.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, sa kabila ng seryosong kalagayan ng kanyang kalusugan, ang biro ni Bimby ay tila nagbigay ng kaunting gaan sa loob ng pamilya at ng mga tagasubaybay ni Kris. Ang pagtutok ng netizens sa pamilyang Aquino ay patuloy, lalo na sa kanilang mga personal na pagsubok at tagumpay.

Read also

Kris Aquino, nagbahagi ng health update matapos niyang makauwi sa Pilipinas

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate