Charo Santos, opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist

Charo Santos, opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist

- Ibinahagi ni Charo na siya ay opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist matapos makapagtapos ng pagsasanay

- Inamin niyang dumaan siya sa mga pagsubok at pagdududa sa sarili, ngunit nahanap niya ang kagalakan sa bawat hakbang ng proseso

- Mas lalong lumalim ang kanyang pagmamahal sa bansa at nagkaroon siya ng bagong layunin sa buhay

- Nagpasalamat siya sa 1st ARCEN at kay Col. Florante Baterina sa kanilang gabay at suporta

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang makabagbag-damdaming post, inanunsyo ni Charo Santos ang kanyang pagiging ganap na Philippine Air Force (PAF) reservist matapos makapagtapos ng kanilang mahirap ngunit makabuluhang pagsasanay.

Charo Santos, opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist
Charo Santos, opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist
Source: Instagram

Ayon kay Charo, hindi naging madali ang kanyang karanasan, lalo na sa mga sandaling pinagdudahan niya ang kanyang kakayahan. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, niyakap niya ang bawat hamon at nahanap ang kagalakan sa bawat hakbang ng proseso.

Read also

Kris Aquino, may bagong proyekto; nais panatilihing pribado ang buhay pag-ibig

There were moments when I doubted myself, wondering if I could meet the demands, but I embraced every challenge, pushed forward, and found joy in each step of the process.

Nagbahagi si Charo na mas lalong lumalim ang kanyang pagmamahal sa bansa at natagpuan niya ang bagong layunin sa buhay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Through this experience, I have discovered a deeper sense of purpose and a renewed love for our country.

Aniya, ang kanyang paglalakbay kasama ang kapwa reservists ay isang karangalan, at umaasa siyang ang kanyang kwento ay magbibigay-inspirasyon sa iba na patuloy na habulin ang kanilang mga pangarap at harapin ang kanilang mga takot.

Nagpasalamat din siya sa 1st ARCEN at kay Col. Florante Baterina para sa kanilang gabay at suporta sa kanyang buong pagsasanay.

Si María Rosario Santos Concio o mas kilala sa kanyang screen name na Charo Santos-Concio or ay isang media executive at Pinay actress. Siya ang host ng pinakamatagal na television drama anthology sa Asya, ang Maalaala Mo Kaya.

Read also

Kris Aquino, nagbahagi ng health update matapos niyang makauwi sa Pilipinas

Matatandaang naghayag ng kanyang saloobin ang award-winning news anchor na si Mel Tianco sa pagtatapos ng Maalaala Mo Kaya o MMK. Sa isang social media post, naihayag ni Mel na sana ay hindi umano totoo ang report dahil aniya ay walang makakapalit sa MMK. Naihayag ni Charo kamakailan ang tungkol sa pagtatapos ng MMK. Ani Mel, namumukod-tangi ang MMK pagdating sa pagbabahagi ng kwento.

Pinasalamatan naman ni Charo ang lahat ng mga nakaka-appreciate sa kanilang ginagawa sa MMK sa mahigit tatlong dekada. Sa isang post ay taos pusong nagpasalamat ang host sa mga magagandang komentong natatanggap niya. Bumuhos ang magagandang komento at paghayag ng kanilang kalungkutan na magtatapos na ang MMK. Maging ang mga artistang naging bahagi ng naturang programa ay naghayag ng kanilang pasasalamat at panghihinayang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate