Cristy Fermin, talo sa five counts ng libel na sinampa ng mag-asawang Sharon at Kiko Pangilinan

Cristy Fermin, talo sa five counts ng libel na sinampa ng mag-asawang Sharon at Kiko Pangilinan

- Natalo si Cristy Fermin sa limang kaso ng libel na isinampa nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan

- Agad na nagbayad ng piyansa si Cristy matapos matanggap ang desisyon sa kanyang show na “Cristy Ferminute”

- Emosyonal at malungkot si Cristy sa kinalabasan ng kaso ngunit nagpapasalamat sa mga tagasuporta

- Itutuloy daw niya ang laban sa RTC Makati at handa siyang umakyat sa Court of Appeals at Supreme Court

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinunyag ng beteranang personalidad sa showbiz na si Cristy Fermin na natalo siya sa limang kaso ng libel na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Sharon Cuneta at dating senador na si Francis "Kiko" Pangilinan. Sa kanyang online show na "Cristy Ferminute," ipinahayag ni Cristy na natanggap niya ang liham ngayong araw, Oktubre 17, at agad siyang nagbayad ng piyansa.

Read also

Liam Payne, nakapag-upload pa ng photos isang oras bago pumanaw

Cristy Fermin, talo sa five counts ng libel na sinampa ng mag-asawang Sharon at Kiko Pangilinan
Cristy Fermin, talo sa five counts ng libel na sinampa ng mag-asawang Sharon at Kiko Pangilinan
Source: Youtube

"Talo po ako sa five counts ng libel, at ang sabi nga natin, inflation is real," ani Cristy. "Hindi lamang po mga bilihin ang tumataas ngayon. Ilang taon na po ang nakakaraan, nag-bail lang po ako ng P10,000 para sa isang kaso ng libel. Ngayon po, P48,000 na po per count ang bail."

Aminado si Cristy na emosyonal at nalungkot siya matapos matanggap ang balita. "Siyempre, wala namang pagkabigo sa laban na masaya," dagdag pa niya.

Pinasalamatan din ni Cristy ang kanyang mga tagasuporta sa laban niyang ito laban sa kasong libel. "Sa mga nag-aalala at nakikisimpatya sa inyong lingkod, 'wag po. Unang hakbang pa lamang ito sa piskalya. Aakyat po ito ngayon sa Regional Trial Court (RTC) Makati. Kung ano po ang maganap sa pagdinig dito, mayroon pa po tayong Court of Appeals. 'Pag hindi pa rin po natin nakuha ang tagumpay, mayroon pa rin pong kataas-taasang hukuman, ang Supreme Court."

Read also

Pamilya ng Grade 10 student sa Pasig, nagsampa ng reklamo laban sa nang-bully sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kamakailan lang, ibinasura ng korte ang apat na kasong isinampa ng mga magulang ni Sarah Lahbati laban kay Cristy at sa kanyang mga co-host na sina Wendell Alvarez at Romel Chika.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt.

Nagdadalamhati si Sharon sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan at dating manunulat na si Manny Castañeda. Ibinahagi niya ang kanilang pinagsamahan mula pa noong 1986 sa kanyang show na "The Sharon Cuneta Show."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate