Judy Ann Santos, hindi inasahan ang ginawa ng anak na si Luna: "Akala ko safe ako"

Judy Ann Santos, hindi inasahan ang ginawa ng anak na si Luna: "Akala ko safe ako"

- Hindi inasahan ni Judy Ann Santos ang ginawa ng anak niyang si Luna habang sila ay nasa biyahe patungong Kuala Lumpur

- Pinahiram niya ng cellphone ang anak para maglibang at mabigyan siya ng oras upang makatulog

- Nagulat siya nang makita ang candid na litrato niya na kuha ni Luna habang tulog at nakanganga

- Marami ang natuwa sa pagiging totoo ni Judy Ann at sa kakayahan niyang pagtawanan ang sarili

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang nakakatuwang karanasan ang ibinahagi ni Judy Ann Santos sa kanyang Instagram Story habang nasa biyahe patungong Kuala Lumpur. Galing sa shooting at kulang sa tulog, ang aktres ay nagplano sanang bumawi ng pahinga sa eroplano.

Judy Ann Santos, hindi inasahan ang ginawa ng anak na si Luna: "Akala ko safe ako"
Judy Ann Santos, hindi inasahan ang ginawa ng anak na si Luna: "Akala ko safe ako"
Source: Instagram

Dahil walang internet connection sa loob ng plane, kampante niyang pinahiram ang cellphone sa bunsong anak na si Luna upang maglibang ito sa paglaro at pag-edit ng mga larawan.

Read also

Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay

“Pwede siyang mag-games at mag-edit-edit para maaliw... at para makatulog ako,” ani Juday. Ngunit matapos ang halos isang oras, laking gulat niya nang makita ang isang candid na litrato niya — tulog na tulog at nakanganga pa, kuha mismo ni Luna.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa caption ng nakakatawang larawan, pabirong sinabi ni Juday, “Mali ako… maling mali.” Marami ang natuwa sa pagiging totoo ni Juday at sa kakayahan niyang pagtawanan ang sarili. Naging viral at usap-usapan ang post na ito, lalo’t kinatuwaan ng kanyang mga fans ang candid moment na ibinahagi ng aktres.

Si Judy Ann Santos is ikinasal kay Ryan Agoncillo. Nagkakilala sila sa shooting ng TV series na Krystala noong 2004. Naging magkarelasyon sila nang sumunod na taon at na-engaged noong 2008. Sila ay mayroong tatlong anak. Sila ay sina Johanna Louis Agoncillo o mas kilala sa pangalang Yohan, Juan Luis Agoncillo o si Lucho at si Juana Luisa Agoncillo o Luna.

Read also

Pia Wurtzbach: "Ultimately, staying true to yourself is what matters"

Matatandaang ibinahagi ni Judy Ann ang kanyang nararanasan bilang isang hands-on na business woman. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa negosyo at pamilya, hindi nito nakakaligtaan ang kanyang tungkulin bilang anak sa kanyang Mommy Carol.

Sa isang Instagram post ni Sharon Cuneta kung saan binahagi niya ang picture ng mga taong naroroon sa meeting de avance, isa si Judy Ann Santos sa nagpahayag ng kanyang suporta. Aniya, kahit hindi sila hayagang nagpapakita ng suporta ay naroroon lang sila para sa kanyang ate. Agad namang sinagot ni Ate Shawee ang komentong ito ni Juday at sinabing alam niyang kasama nila ang buong pamilya ng aktres. Kilalang malapit sina Judy Ann at Sharon maging ang kani-kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate