RR Enriquez, binahagi ang video ni Diwata na nag-zu-zumba

RR Enriquez, binahagi ang video ni Diwata na nag-zu-zumba

- Ibinahagi ni RR Enriquez ang video ni Diwata na masiglang sumasali sa zumba kasama ang mga residente ng Pasig City

- Patanong na binahagi ni RR sa kanyang caption ang aniya'y pagpapansin ni Diwata matapos maghain ng kandidatura para sa 2025 elections

- Ibinahagi rin ni RR ang mga video ni Diwata na umano’y mataray na reaksyon sa ilang fans na nag-selfie kasama siya

- Nag-post din si Juliana Parizcova Segovia ng larawan ni Diwata kasama ang ilang kalalakihan sa kanyang paresan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi nakaligtas sa mata ng “Queen Sawsawera” na si RR Enriquez ang video ng social media personality at may-ari ng isang paresan na si Diwata, na buong siglang nakikiisa sa mga aktibidad sa komunidad, partikular sa zumba sessions.

RR Enriquez, binahagi ang video ni Diwata na nag-zu-zumba
RR Enriquez, binahagi ang video ni Diwata na nag-zu-zumba
Source: Facebook

Matatandaang nag-file si Diwata ng kanyang certificate of nomination and acceptance (CONA) sa Commission on Elections (Comelec) para sa kanyang kandidatura sa 2025 midterm elections.

Read also

EJ Obiena, nagsalita kaugnay sa mga gawa-gawang kwento tungkol sa kanila ni Carlos Yulo

Sa caption ng post ni RR, tila may bahid ng pangungutya ang kanyang mga salitang, “DATING HINDI NAMAMANSIN... NGAYON NAGPAPA-PANSIN?” Makikita sa video ang makisig na pagsayaw ni Diwata sa zumba kasama ang ilang residente ng Pasig City.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa zumba video, nagbahagi rin si RR ng ilang clips kung saan tila ipinapakita ang umano’y mataray na reaksyon ni Diwata sa mga fans na lumapit upang makapag-selfie.

Hindi rin pinalampas ng Miss Q&A Season 1 grand winner na si Juliana Parizcova Segovia ang pagkakataong magpasaring. Sa kanyang Facebook post noong Oktubre 11, ibinahagi ni Juliana ang larawan ni Diwata habang kasama ang ilang kalalakihan sa paresan nito.

Dating nagsusungit,ngaun kusang lumalapit..

Hanggang sa ngayon, wala pang tugon si Diwata sa mga patutsada nina RR at Juliana.

Read also

Wilma Doesnt, nag-expand sa hotel business kasabay ng tagumpay ng “Chix ni Otit”

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN. Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Kabilang si RR Enriquez sa mga personalidad na naghayag ng kanilang saloobin kaugnay sa nag-viral na resort na tinayo sa Chocolate Hills sa Bohol. Para sa kanya, wala naman daw masama sa ginawa nila lalo kung makakatulong daw ito sa turismo ng bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: