Paolo Ballesteros, muling hinangaan ang makeup transformation bilang "Joey De Leon"

Paolo Ballesteros, muling hinangaan ang makeup transformation bilang "Joey De Leon"

- Muling hinangaan si Paolo Ballesteros sa kanyang nagawang makeup transformation

- Sa birthday celebration ni Joey De Leon sa Eat Bulaga, lumabas si Paolo bilang si "Barbi"

- Kamngha-mangha na nakiha ni Paolo ang itsura ni Joey nang magpakilala ito noon bilang "Barbi"

- Si Paolo ay isa sa mga Eat Bulaga host na nanatili sa programa sa kabila ng pagsubok na kinaharap nito noong nakaraang taon

Marami ang muling namangha sa husay ng paggawa ng makeup transformation ni Paolo Ballesteros.

Paolo Ballesteros, muling hinangaan ang makeup transformation bilang "Joey De Leon"
Paolo Ballesteros, muling hinangaan ang makeup transformation bilang "Joey De Leon" (@ryzzamaedizon_)
Source: Instagram

Sa 77th birthday celebration ni Joey De Leon sa Eat Bulaga ngayong October 12, nag-ala "Barbi" si Paolo. Matatandaang naging karakter ito ni Joey sa kanyang pelikulang "Barbie: Maid in the Philippines" noong 1989.

Kuhang-kuha ni Paolo ang karakter na ito na ginampanan ni Joey, na maging ito ay namangha sa nagawa ni Paolo.

Narito ang komento ng ilang mga netizens:

Read also

Vice Ganda, pinakita ang regalo ni Angel Locsin sa kanya nang mamatay ang aso niyang si Chip in

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I never really recognize Paolo at first. Nung huli nalang. Galing niya talaga no doubt."
"Magagaling na artist. Amazing skills para kay Paolo Ballesteros ang galing galing talaga. Nice production simple pero entertaining"
"Kuhang-kuha ang mukha ni Henyo Master"
"As always ang galing ni Paolo, the makeup transformation king of the Philippines"
"Napakahusay ni Paolo. Napaisip nga ako kung si Joey ba yun, sabay focus ng camera sa kanya"

Narito ang kabuuan ng performance ni Paolo mula sa Facebook ng TVJ:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Read also

Willie Revillame, sinagot bakit nagdesisyong tumakbo bilang senador

Mahigit isang taon na ang nakalipas nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Makalipas ang isang linggo, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1 naman nang nakaraang taon, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Kalaunan, nakuha nilang muli ang pangalan ng progama na Eat Bulaga habang ang naiwang noontime show sa GMA ay napangalanan namang 'Tahanang Pinakamasaya.' Hindi nagtagal, tuluyan nang nabuwag ang huling nabanggit na programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica