TVJ, pinaliwanag bakit wala sa big venue ang 45th anniversary ng Eat Bulaga
- Agad na binigyang linaw ng Tito, Vic, and Joey ang tungkol sa selebrasyon ng 45th anniversary ng Eat Bulaga
- Marami umano ang nagtaka na hindi sa malaki at mas enggrandeng selebrasyon ang programa
- Doon, nilahad ng tatlo ang mahalagang dahilan kung bakit tila mas pinaghahandaan na nila ang kanilang 50th anniversary
- Matatandaang ang Eat Bulaga ay longest running noontime show sa buong mundo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Binigyang kasagutan na nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang tanong ng karamihan kung bakit wala umanong malaking venue para selebrasyon ng ika-45 na anibersaryo ng Eat Bulaga.
Matatandaang madalas na nagkakaroon ng espesyal na kaganapan sa programa sa tuwing ipagdiriwang nila ang kanilang anibersaryo.
Ayon kay Vic Sotto, minabuti nilang ilaan sa mas napapanahon at mas mahalagang bagay ang sana'y pang-celebrate nila sa mga lugar tulad ng Philippine Area, MOA Arena at iba pa,
Celia Rodriguez, pinanindigan ang sinabing si Angel Locsin ang pinakamagaling na Darna para sa kanya
"May tatlong dahilan... Una na diyan dahil sa hamon ng panahon, mas mahalaga na magpadala tayo ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Binanggit din nila ang mga barangay na kanilang padadalhan ng tulong.
"Isa pang dahilan. Karapat-dapat sigurong magtulungan tayo upang ibangon ang kabuhayan ng mga pamilya na gutong makaahon araw-araw."
"Ang dear Eat Bulaga po ay maghihintay sa mga liham niyo, sulat, tungkol sa mga pangkabuhayan ninyo mga negosyo po na gusto niyong simulan, ibangon o palaguin."
At inihayag nila ang pagbabalik ng EBest kung saan kumukuha sila ng deserving na maging scholar.
"Ang budget para isang big show ay gagamitin nalang para pantaguyod ng pangarap ng pamilya at kabataan. Sa 45th anniversary, muli nating siismulan ang college scholarship para sa 30 college students"
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.
Isang taon na ang nakalipas nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Makalipas ang isang linggo, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1 naman nang nakaraang taon, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.
Kalaunan, nakuha nilang muli ang pangalan ng progama na Eat Bulaga habang ang naiwang noontime show sa GMA ay napangalanan namang 'Tahanang Pinakamasaya.' Hindi nagtagal, tuluyan nang nabuwag ang nasabing programa.
At kamakailan lamang, umugong ang panibagong kontrobersya sa Eat Bulaga na nagsasabing magtatapos na umano ito dahil sa pagkalugi. Agad naman itong pinabulaanan nina Joey De Leon at Tito Sotto na naglabas ng kani-kanilang saloobin sa programa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh