AJ Raval, may makahulugang mensahe sa boyfriend na si Aljur Abrenica

AJ Raval, may makahulugang mensahe sa boyfriend na si Aljur Abrenica

- Nagbahagi si Aljur Abrenica ng mensahe para sa nobyang si AJ Raval sa Instagram kalakip ang kanilang larawan

- Nagpasalamat si Aljur kay AJ sa pagbibigay ng walang kondisyong pagmamahal at pagsuporta sa kanya

- Tumugon si AJ ng makahulugang mensahe na nagpapakita ng kanyang pag-unawa at pananalig sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok

- Ipinahayag ni AJ ang kanyang suporta at pagmamahal kay Aljur habang nananatili silang matatag sa kanilang relasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbahagi ng sweet na mensahe si Aljur Abrenica para sa kanyang nobyang si AJ Raval. Sa kanyang Instagram post, nag-upload si Aljur ng larawan nila ni AJ at sinamahan ito ng makabagbag-damdaming mensahe, “Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough. I’m so grateful to have you by my side, celebrating our beautiful journey together."

Read also

Willie Revillame, sinagot bakit nagdesisyong tumakbo bilang senador

AJ Raval, may makahulugang mensahe sa boyfriend na si Aljur Abrenica
AJ Raval, may makahulugang mensahe sa boyfriend na si Aljur Abrenica
Source: Instagram

Tugon naman ni AJ sa nasabing post: “Nakikita kita at alam ko ang totoong nangyari sayo, Naiintindihan kita. Ipagdasal na lang natin ang mga taong mapang-api at mapanghusga… mahal ka ng Panginoon at kahit kailan hindi ka niya pinabayaan.”

Dagdag pa niya, “Alam ko kung gaano ka kalapit sa Panginoon at saksi ako doon… lagi mong ipinagpapasa-Diyos ang lahat kaya kahit kailan hindi mo naisipang gumanti at magsabi ng totoo.”

Ipinapakita ng kanilang mga mensahe na matatag ang relasyon ng dalawa sa kabila ng mga isyung pinagdaraanan nila sa showbiz. Buong-pusong ipinahayag ni AJ ang kanyang suporta at pagmamahal kay Aljur, na tila nagbigay ng inspirasyon para harapin ang anumang mga pagsubok nang may pananalig.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Read also

EJ Obiena, nagsalita kaugnay sa mga gawa-gawang kwento tungkol sa kanila ni Carlos Yulo

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate