Awra Briguela, tinuloy ang kanyang pag-aaral; ibinida ang kanyang uniform

Awra Briguela, tinuloy ang kanyang pag-aaral; ibinida ang kanyang uniform

- Binahagi ni Awra Briguela ang video kung saan suot niya ang ID lace na may tatak na University of The East

- Nagbahagi din siya ng video kung saan suot niya ang kanyang school uniform

- Marami ang natuwa sa kanyang desisyon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kabila ng kanyang kasikatan

- Sa kasalukuyan ay walang kinabibilangang TV show si Awra ngunit namamayagpag pa rin siya sa social media

Ibinida ni Awra Briguela ang kanyang pagbabalik-eskwela sa pamamagitan ng pagbahagi ng video kung saan suot niya ang ID lace na may tatak na University of The East. Kasama rin sa ibinahagi ni Awra ang isa pang video kung saan makikitang suot niya ang kanyang school uniform, bagay na ikinatuwa ng marami sa social media.

Awra Briguela, tinuloy ang kanyang pag-aaral; ibinida ang kanyang uniform
Awra Briguela, tinuloy ang kanyang pag-aaral; ibinida ang kanyang uniform
Source: Instagram

Pinuri ng mga tagahanga ang naging desisyon ni Awra na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kabila ng tagumpay niya sa showbiz. Kasalukuyang wala siyang TV show ngunit aktibo pa rin siya sa social media, na patuloy na sinusubaybayan ng kanyang mga tagasubaybay.

Read also

Teacher, emosyonal na ibinahagi ang kakaibang regalong natanggap

Matatandaang matapos ang gulong kinasangkutan niya sa isang bar sa Makati, ibinunyag ni Vice Ganda na hindi na gaanong naglalabas para mag-party si Awra. Ang kanyang pagbabalik sa pag-aaral ay labis na hinangaan ng marami bilang hakbang patungo sa kanyang personal na pag-unlad.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Isang nagpakilalang kaibigan ni Awra ang nagbahagi ng pahayag kaugnay sa viral na video ni Awra. Makikita sa IG stories ng IG user na may handle na @simpforzayla na kasama si Awra sa kanyang video sa kanilang pagpunta sa isang bar sa Poblacion sa Makati. Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit nagkainitan sila. Dagdag pa niya, ang lalaki daw ang unang nanuntok kay Awra kaya lumaban si Awra.

Isa sa sangkot sa rambulan na kinasangkutan ni Awra ang nagsalita sa News5. Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra. Kasamahan daw ni Awra ang unang nanuntok at lumaban na lang daw siya. Nauna na ring nagsalita ang ilang kaibigan at kasamahan ni Awra patungkol sa umano'y pangbabastos sa kaibigan ni Awra na siyang nag-udyok sa Kapamilya star para kausapin ang umano'y nangbastos sa kanyang kaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: