Santino Rosales, nag-react sa pagbati ni Jericho Rosales kay Janine Gutierrez

Santino Rosales, nag-react sa pagbati ni Jericho Rosales kay Janine Gutierrez

- Kabilang si Santino Rosales sa nagkomento sa post ng amang si Jericho Rosales

- Ang post ni Jericho ay pagbati para kay Janine Gutierrez na nagdiwang ng kanyang kaarawan

- Tila naman aprub kay Santino si Janine para sa kanyang ama matapos nitong magkomento ng "heart hands" emoji

- Matatandaang nauna nang inamin ng aktor na 'officially dating' ang kanilang estado

Isa si Santino Rosales, anak ni Jericho Rosales, sa mga nagkomento sa post ng kanyang ama na bumabati kay Janine Gutierrez sa kaarawan nito. Sa Instagram post ni Jericho, kung saan makikita ang masayang pagbati para kay Janine, agad na nakakuha ng atensyon ang reaksyon ni Santino.

Santino Rosales, nag-react sa pagbati ni Jericho Rosales kay Janine Gutierrez
Santino Rosales, nag-react sa pagbati ni Jericho Rosales kay Janine Gutierrez
Source: Instagram

Tila aprubado ni Santino ang bagong karelasyon ng kanyang ama matapos itong mag-iwan ng “heart hands” emoji sa komento. Marami ang natuwa sa kanyang simpleng reaksyon, na tila pagpapakita ng suporta sa relasyon ng dalawa.

Read also

Jericho Rosales, binati si Janine Gutierrez sa kaarawan nito

Santino Rosales, nag-react sa pagbati ni Jericho Rosales kay Janine Gutierrez
Santino Rosales, nag-react sa pagbati ni Jericho Rosales kay Janine Gutierrez (@jerichorosalesofficial | Instagram)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang inamin na ni Jericho kamakailan na sila ni Janine ay "officially dating" matapos silang makitang magkasama sa ilang mga pagkakataon, kabilang na ang kanilang date sa isang museo at tabing-ilog.

Si Jericho Rosales ay isang aktor, modelo at recording artist. Ikinasal siya kay Kim Jones na isa ring kilalang modelo. Ilan sa kanyang mga teleserye na sumikat ay Pangako Sa 'Yo (2000–2002), Sana'y Wala Nang Wakas (2003–2004) at Dahil May Isang Ikaw. Naitambal siya sa ilang leading ladies kagaya ni Kristine Hermosa at Heart Evangelista.

Isang maiksing video ang ibinahagi ni Jericho Rosales kung saan makikitang kasama niya ang mga aso sa tabing dagat. Nahagip din ng camera si Kim Jones na makikitang na nakasuot ng face mask at hawak ang tali ng dalawang aso. Hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga netizens ang tila umbok sa bandang tiyan ni Kim. Kasunod nito ay bumuhos ang pagbati sa mag-asawa dahil sa ispekulasyong nagdadalang-tao ang sikat na modelo.

Read also

Kim Chiu, nakaharap si KC Concepcion Kalokalike; nagbiruan tungkol kay Paulo Avelino

Matatandaang matapos lumabas ang bali-balitang buntis na ang si Kim Jones, isang panibagong video ang ibinahagi ni Echo. Taliwas sa naunang lumabas na video na tila may nakaumbok sa tiyan ni Kim, makikita sa panibagong video ang maliit na bewang nito. Marami sa mga netizens ang nabigla dahil marami ang umasa na sa wakas ay magiging mga magulang na ang dalawa. Gayunpaman, nauna nang nasabi ng mag-asawa ang kanilang dahilan kung bakit ataw pa nila magkaanak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate