Girlfriend ni Anthony Jennings, nag-repost ng cryptic messages tungkol sa betrayal at disloyalty

Girlfriend ni Anthony Jennings, nag-repost ng cryptic messages tungkol sa betrayal at disloyalty

- Nag-repost si Jam Villanueva ng mga cryptic messages tungkol sa pagtataksil at kawalan ng katapatan sa social media

- Napansin ng netizens ang mga ito na tila may kinalaman sa relasyon nila ni Anthony Jennings

- Usap-usapan na ang diumano'y paghihiwalay ni Anthony at Jam, ayon kay Ogie Diaz

- Nakita rin sina Anthony at Maris Racal na magkasama sa Italy, na nagdulot ng karagdagang espikulasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Umani ng atensyon sa social media si Jam Villanueva, ang girlfriend ni Anthony Jennings, matapos siyang mag-repost ng mga cryptic messages na tila may kinalaman sa pagtataksil at kawalan ng katapatan.

Girlfriend ni Anthony Jennings, nag-repost ng cryptic messages tungkol sa betrayal at disloyalty
Girlfriend ni Anthony Jennings, nag-repost ng cryptic messages tungkol sa betrayal at disloyalty
Source: Instagram

Agad na napansin ng netizens ang mga posts ni Jam, kabilang na ang mga linyang, “I will never forget your conversation with the girl you told me not to worry about,” at “Finding out what they did behind my back.” Dahil dito, umugong ang espekulasyon tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Anthony.

Read also

Kim Chiu, nakaharap si KC Concepcion Kalokalike; nagbiruan tungkol kay Paulo Avelino

Kamakailan, ibinunyag ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang ilang detalye tungkol sa madalas na pagkikita nina Anthony Jennings at ng kaniyang leading lady na si Maris Racal.

Ayon kay Ogie, nakita ang dalawa na sweet sa ilang pagkakataon, bagay na lalong nagpasiklab ng tsismis na si Anthony umano ang dahilan ng breakup ni Maris kay Rico Blanco, ang long-term boyfriend nito. Mariing itinanggi ni Maris ang mga balita at sinabing “professional” lang ang kaniyang relasyon kay Anthony.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Girlfriend ni Anthony Jennings, nag-repost ng cryptic messages tungkol sa betrayal at disloyalty
Girlfriend ni Anthony Jennings, nag-repost ng cryptic messages tungkol sa betrayal at disloyalty
Source: TikTok

Sa isang panayam, sinabi ni Ogie Diaz na may mga ulat na naghiwalay na sina Anthony at Jam. Ani Ogie, “Ang balita—hindi ko naman alam, sana hindi totoo naman—kakabreak lang daw ni Anthony Jennings sa kaniyang girlfriend.” Dagdag pa niya, mas mabuti raw hintayin na lang ang mga susunod na mangyayari dahil tila bihira na o hindi na nakikita ang magkasama ang dalawa.

Read also

Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak

Lalo pang lumala ang tsismis matapos makita sina Maris at Anthony sa Italy na parehong naka-Adidas black and white Samba shoes. Nakuhanan din sila ng litrato habang kasama sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, na muling nagpasiklab ng usap-usapan tungkol sa posibleng relasyon ng dalawa.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Read also

Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya

Samantala, marami ang kinilig sa birthday greeting ni Rico Blanco kay Maris. Nagdiriwang ng kaarawan si Maris noong Setyembre 22. Sa kanya namang socmed, nagbahagi si Maris ng ilan sa kanyang mga larawan. Taong 2021 nang aminin ni Maris sa "Magandang Buhay" na bago pa man ang pandemic ay may relasyon na sila ni Rico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: