Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak

Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak

- Nag-react si Maiqui Pineda sa post ni Robi Domingo tungkol sa kanilang plano na magkaroon ng anak

- Sinabi ni Maiqui na wala siyang isyu sa naturang post at napag-usapan na nila ito bilang mag-asawa

- Ayon kay Maiqui, parehong nilang tinatanggap ang realidad ng sitwasyon at umaasa sila sa plano ng Diyos para sa kanila

- Maraming netizen ang nagpahayag ng suporta sa mag-asawa sa kabila ng kanilang pinagdadaanan

Nagbigay ng reaksyon si Maiqui Pineda matapos tanungin ng isang netizen tungkol sa post ng kanyang asawa, si Robi Domingo, na nagpapahayag ng kagustuhang magkaroon ng anak. Sa nasabing post, ipinahiwatig ni Robi ang kanilang sitwasyon na wala pa silang anak, bagay na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.

Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak
Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak
Source: Instagram

Sa Threads, isang netizen ang nagsabing masakit para sa babae na marinig ang sinabi ni Robi lalo at may karamdaman si Maiqui.

Read also

Maiqui Pineda, nagbahagi ng mensahe sa ika-35 na kaarawan ni Robi Domingo

Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak
Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang tugon, sinabi ni Maiqui, "No issues at all :) It’s something I have openly spoken about before but of course, he has a bigger reach hehe." Ayon kay Maiqui, napag-usapan na nila ito at parehong tinatanggap ang realidad ng kanilang sitwasyon. Dagdag pa niya, "It’s both of our plans, our goals and our wishes but we acknowledge the reality of things. We are hopeful and for now, we put our trust in God’s plans for us."

Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak
Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak
Source: Instagram

Sa kabila ng pagiging bukas ng mag-asawa tungkol sa kanilang hangarin na magkaroon ng anak, pinili nilang magtiwala sa plano ng Diyos para sa kanila. Maraming netizen naman ang nagpahayag ng suporta sa dalawa, pinupuri ang kanilang pagiging matatag at pag-asa sa kinabukasan.

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo, na mas kilala bilang Robi Domingo, ay isang VJ, aktor, mananayaw, at host. Nagsimula ang kanyang kasikatan sa showbiz nang sumali siya at maging first runner-up sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Siya ay naging bahagi ng Star Magic na grupo ng mga artista.

Read also

Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya

Matatandaan na nagbigay ng komento si Robi kaugnay ng viral na episode ng PBB teens. Sa halip na "Gomburza" ang sagot patungkol sa mga martir na pari, "MaJoHa" ang ibinigay ng housemate. Dahil dito, hinamon ni Robi ang mga content creator na lumikha ng mas makabuluhang mga konsepto para sa kanilang mga video, na nagsasabing ang pangyayari ay sumasalamin sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Kabilang si Robi sa mga usap-usapan, lalo na nang mabanggit siya sa isang video na inilabas ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang opisyal na Twitter page, nag-post si Robi ng tanong na "how true." Sa gitna ng mainit na isyu tungkol sa mga screenshots na inilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizen na iugnay ang post na ito ni Robi sa nasabing isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: