'Oras Na' singer na si Coritha, namaalam na sa edad na 73

'Oras Na' singer na si Coritha, namaalam na sa edad na 73

- Binahagi ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel ang malungkot na balita

- Nakausap ni Julius ang live-in partner ni Coritha na siyang nag-alaga sa kanya at nakasama niya matapos masunog ang bahay niya

- Ito ay tungkol sa pagpanaw ng music icon na si Coritha na nagpasikat sa mga awitin niyang 'Oras Na' at 'Lolo Jose'

- Matatandaang binahagi ni Julius ang tungkol sa naging kalagayan ni Coritha matapos itong maging bed ridden dahil na-stroke ito

Pumanaw na ang dating folk singer na si Coritha, o Maria del Perpetua Socorro Arenas, noong Biyernes, Setyembre 27, 2024, bandang 7:50 ng gabi, ayon sa kanyang partner na si Chito Santos. Nakilala si Coritha noong dekada '70 at '80 sa mga awitin niyang "Oras Na," "Sierra Madre," at "Lolo Jose."

'Oras Na' singer na si Coritha, namaalam na sa edad na 73
'Oras Na' singer na si Coritha, namaalam na sa edad na 73
Source: Youtube

Bago siya pumanaw, si Coritha ay bedridden mula nang ma-stroke noong Pebrero 2024, na nagdulot ng kanyang pagkaparalisa at kawalan ng kakayahang magsalita. Noong 2018, nasunog ang kanyang bahay sa Quezon City, na nagpalala ng kanyang depresyon. Simula noon, kinupkop siya ng kanyang partner na si Chito Santos, na kasalukuyang naninirahan sa Tagaytay City.

Read also

Carla Abellana, nasa perimenopausal stage na sa edad niyang 37

Sa isang interview kay Julius Babao noong Biyernes ng gabi, inilahad ni Chito, "Ilang araw naming binabantayan hanggang sa unti-unti na siyang humina. Ayoko nang patagalin pa dahil kitang-kita ang hirap na dinadanas niya."

Ayon kay Dra. Digna Santos, kapatid ni Chito, ipapa-cremate agad ang labi ni Coritha, at magdadaos sila ng isang araw na public viewing sa Tagaytay sa darating na weekend.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa panayam ni Julius ay sinariwa ni Chito ang kabaitan ni Coritha. Nabahagi niya rin ang huling sandali na nakasama niya ito.

Napansin din ni Julius na humina ang pangangatawan ni Chito kung ikukumpara noong huli niya itong nakapanayam. Ayon kay Chito, napansin niya ang kanyang panghihina nang dumalo siya sa mga concert na isinagawa para kay Coritha.

Si Coritha ay isang tanyag na OPM singer noong dekada 60 at 70, na nagpasikat ng mga awitin tulad ng "Sierra Madre," "Gising na, O Kuya Ko," "Lolo Jose," at "Oras na."

Read also

Nawawalang college student, natagpuang naka-baon sa buhangin sa Lingayen, Pangasinan

Nakapanayam din ni Julius ang dating aktres na si Cita Astals at naibahagi nito ang kanyang kasalukuyang kalagayan. Kabilang sa naitanong ni Julius Babao ay ang tungkol sa kumalat na picture niya noon kung saan sinabi daw na palaboy na lang daw ito.

Pinakita ni Julius sa kanyang vlog ang naging kalagayan ng komedyanteng si Dinkee Doo. Sa panayam ni Julius, napag-usapan nila ang tungkol sa naging buhay ni Dinkee noong aktibo pa ito sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate