Dinky Doo, binahagi ang tungkol sa kanyang malubhang karamdaman

Dinky Doo, binahagi ang tungkol sa kanyang malubhang karamdaman

- Pinakita ni Julius Babao sa kanyang vlog ang kasalukuyang kalagayan ng komedyanteng si Dinkee Doo

- Sa panayam ni Julius, napag-usapan nila ang tungkol sa naging buhay ni Dinkee noong aktibo pa ito sa showbiz

- Nagda-dialysis daw si Dinkee at mataas ang kanyang creatinine na nakakaapekto sa kanyang pangangatawan

- Inamin din ni Dinkee na ang kanyang karamdaman ay dahil sa kanyang pang-aabuso sa katawan niya noong mas bata pa siya

Pinakita ni Julius Babao sa kanyang pinakabagong vlog ang kasalukuyang kalagayan ng kilalang komedyanteng si Dinky Doo. Sa isang eksklusibong panayam, ibinahagi ni Dinky ang kanyang mga pinagdadaanan at ang mga pagbabagong dulot ng kanyang kalusugan.

Dinky Doo, binahagi ang tungkol sa kanyang malubhang karamdaman
Dinky Doo, binahagi ang tungkol sa kanyang malubhang karamdaman
Source: Youtube

Ayon kay Dinky, kinakailangan niyang sumailalim sa regular na dialysis dahil sa mataas na antas ng kanyang creatinine, na lubos na nakaapekto sa kanyang pangangatawan. Napag-usapan din sa panayam ang makulay na buhay ni Dinky noong aktibo pa siya sa showbiz.

Read also

Crissa Liaging, may panibagong post: "Tao lang po nagkakamali"

Inamin ni Dinky na ang kanyang kasalukuyang kalagayan ay resulta ng mga pang-aabuso niya sa kanyang katawan noong mas bata pa siya. Sa kabila ng lahat, nananatiling positibo ang komedyante at umaasang malalampasan niya ang pagsubok na ito sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang nasabing panayam ay nagdulot ng kalungkutan at pag-aalala sa mga tagahanga ni Dinky, ngunit nagpahayag din sila ng kanilang suporta at dasal para sa kanyang agarang paggaling.

Si Julius Babao ay isang kilalang mamamahayag at brodkaster sa Pilipinas. Siya ay naging prominenteng personalidad sa larangan ng telebisyon at radyo, na nagsimula ng kanyang karera sa ABS-CBN. Nakilala siya bilang isa sa mga anchor ng "TV Patrol," isa sa pinakapopular na news programs sa bansa, at ng iba pang mga palabas tulad ng "Bandila" at "Magandang Gabi, Bayan."

Read also

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Matatandaang nakapanayam ni Julius ang dating aktres na si Cita Astals at naibahagi nito ang kanyang kasalukuyang kalagayan. Kabilang sa naitanong ni Julius Babao ay ang tungkol sa kumalat na picture niya noon kung saan sinabi daw na palaboy na lang daw ito. Inamin ni Cita na siya iyon pero sa tingin niya ay hindi naman masasabing palaboy siya dahil lang sa picture na iyon. Aniya, wala man lang daw nagtanong sa kanya tungkol sa kalagayan niya para maipaliwanag niya.

Nakapanayam niya rin si Bojo Molina kamakailan. Si Bojo ay mayroon siyang advertising gig at tinayo nila ng kanyang mga partners ang 3 Blind Mice Studios. Mayroon din siyang mga kliyente dito sa Pilipinas pagdating sa advertising at productions. Bukas naman siya sa paggawa ng mga showbiz engagements pero aniya ay hanggang dalawang linggo lang kung maari dahil may mga bagay na hindi niya pwedeng iwan sa Guam kung saan sila naninirahan ng pamilya niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel