Carla Abellana, nasa perimenopausal stage na sa edad niyang 37
- Inihayag ni Carla Abellana na siya ay nasa perimenopausal stage na sa edad na 37 dahil sa hypothyroidism
- Limang taon siyang nakaranas ng abnormal na hormones at patuloy na pagtaas ng timbang sa kabila ng kanyang mga diet at ehersisyo
- Sinubukan ni Carla ang maraming doktor, gamot, at pagsusuri ngunit walang nakapagbigay ng pangmatagalang solusyon
- Nakipag-ugnayan siya kay Dr. Roland Angeles ngunit hindi agad siya nakabawas ng timbang sa loob ng isang buwan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinunyag ng Kapuso actress na si Carla Abellana na siya ay nasa menopausal stage na sa edad na 37. Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Carla, "Hypothyroidism has been the bane of the past 5 years of my life."
Ayon kay Carla, ang kanyang mga hormones ay malayo sa normal, at ang kanyang cortisol level ay labis na mataas sa loob ng mahabang panahon. "
Dagdag pa ni Carla, dumaan siya sa matinding pagsubok sa loob ng limang taon: "5 Doktor, maraming pagsusuri, at walang katapusang kombinasyon ng mga gamot ang sinubukan ko. Libu-libong piso na ang nagastos, pero wala pa ring pangmatagalang solusyon."
Hindi itinago ni Carla ang kanyang naramdaman na matinding "struggle, frustration, embarrassment, worry, at desperation.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan, patuloy si Carla sa paghahanap ng tamang lunas para sa kanyang kalagayan.
Ayon sa WebMD, ang perimenopausal stage ay ang panahon bago tuluyang mag-menopause ang isang babae. Sa yugtong ito, ang mga ovaries ay unti-unting nagsisimula nang maglabas ng mas kaunting estrogen. Ang perimenopause ay karaniwang nagsisimula sa edad na 40, ngunit maaaring mangyari rin ito mas maaga o mas huli. Sa panahong ito, maaaring magbago ang regla—pwedeng maging irregular, mas maikli o mas mahaba, at maaaring magdulot ng mga sintomas gaya ng hot flashes, pagtulog ng hindi maayos, at mood swings. Ang yugtong ito ay tumatagal hanggang sa mag-menopause, na ang opisyal na simula ay kapag ang babae ay hindi nagkaroon ng regla sa loob ng isang taon.
Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.
Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.
Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh