Kim Chiu, sumagot sa pagbati ni Paulo Avelino: "Thank you Papi!"
- Matapos tanghalin bilang Outstanding Asian Star, binati si Kim Chiu ng kanyang co-star na si Paulo Avelino
- Pabirong tinawag ni Kim si Paulo na "Papi" sa kanyang sagot na ikinatuwa ng netizens
- Nag-trending ang kanilang palitan ng mensahe sa social media, na nagdulot ng kilig sa mga tagahanga
- Marami ang nagtutukso sa tambalang "KimPau" at tila inaabangang maging "end game" ang kanilang chemistry
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapos niyang tanghalin bilang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards, umani ng maraming pagbati ang Kapamilya actress na si Kim Chiu. Isa sa mga bumati sa kanya ay ang kanyang co-star sa seryeng "Linlang," si Paulo Avelino, na agad nag-trending ang kanilang kilig na palitan ng mensahe sa social media.
Nag-post si Paulo ng mensahe ng pagbati kay Kim, at pabirong tinawag naman siya ni Kim na “Papi” sa kanyang tugon. “Wew nemen! Thank you papi! Ay Pau pala! Hihihi watch ka eto link,” ani ni Kim sa kanyang nakakatuwang sagot. Agad itong naging usap-usapan online, at maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkakilig sa naging interaction ng dalawa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Isa sa mga nag-react ay nagsabing, “Hoyyy Papi but kinilig ako grabe kayo KimPau jusko po umaabot ang kilig ko sa universe.” Marami ring netizens ang nagtatanong kung may ibig sabihin ba ang tawagan nina Kim at Paulo, na tila nagbigay ng bagong kilig tambalan sa kanilang mga tagahanga.
Dagdag pa ng ibang netizens, tila may “end game” na raw sa tambalan nina Kim at Paulo, na tinutukso ng fans bilang “KimPau.” Ang tawagan nilang “Papi” at “Mami” ay lalo pang nagpasiklab ng kilig online, na naging dahilan upang maging viral ang kanilang post.
Marami ang nag-aabang ngayon sa mga susunod na kaganapan sa relasyon o pagkakaibigan ng dalawa, lalo na’t kapwa silang may malakas na fanbase na kinikilig sa kanilang chemistry on-screen at off-screen.
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh