Ria Atayde, binahagi ang picture ni Zanjoe Marudo hawak ang baby nila

Ria Atayde, binahagi ang picture ni Zanjoe Marudo hawak ang baby nila

- Ibinahagi ni Ria Atayde sa Instagram ang larawan ni Zanjoe Marudo na karga ang kanilang unang anak

- Nanganak kamakailan si Ria Atayde at ipinakita ang espesyal na sandali ng ama at sanggol

- Kinumpirma ni Zanjoe Marudo ang pagdating ng kanilang anak noong Setyembre 23, 2024

- Nagpahayag din ng kasiyahan si Sylvia Sanchez, ina ni Ria, sa pagdating ng kanyang unang apo

Ibinahagi ng aktres na si Ria Atayde ang isang makabag-damdaming larawan ng kanyang asawang si Zanjoe Marudo habang karga nito ang kanilang unang anak. Sa kanyang Instagram Stories ngayong Miyerkules, masayang ipinakita ni Ria ang espesyal na sandaling iyon, kasunod ng kanyang panganganak kamakailan.

Ria Atayde, binahagi ang picture ni Zanjoe Marudo hawak ang baby nila
Ria Atayde, binahagi ang picture ni Zanjoe Marudo hawak ang baby nila
Source: Instagram

Nilagyan niya ng caption ang post ng, “Fave role of yours to date,” na nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal at paghanga sa pagiging ama ni Zanjoe.

Noong Lunes, kinumpirma ni Marudo ang pagdating ng kanilang anak sa pamamagitan ng isang post na may petsang "9.23.24" at may caption na "Eto na!" na puno ng kasiyahan.

Read also

Cassandra Li Ong, naging emosyonal sa pagdinig ng senado ukol sa illegal POGOs

Ria Atayde, binahagi ang picture ni Zanjoe Marudo hawak ang baby nila
Ria Atayde, binahagi ang picture ni Zanjoe Marudo hawak ang baby nila
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, si Sylvia Sanchez, ina ni Ria, ay nagpahayag din ng kanyang labis na kasiyahan bilang lola sa pamamagitan ng isang post na nagpapakita ng kanyang suporta sa bagong yugto ng buhay ng kanyang anak.

Matatandaang ikinasal sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo noong Marso 2024, at noong Hunyo, kasabay ng pagdiriwang ng Father's Day, inanunsyo ni Ria na sila’y nagdadalang-tao.

Si Zanjoe Marudo ay isang aktor at modelo. Sumikat siya matapos sumali sa reality TV show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition noong 2006, kung saan nakuha niya ang ika-apat na puwesto. Mula noon, siya ay naging bahagi ng iba't-ibang palabas sa telebisyon at pelikula. Nagpamalas siya ng kanyang galing sa pag-arte at naging kilala sa industriya ng entertainment sa Pilipinas.

Para kay Zanjoe Marudo, maswerte siyang si Jodi Sta. Maria ang kanyang nakatrabaho sa Philippine remake ng ‘The Broken Marriage Vow’ Gumanap sila bilang mag-asawa sa pinakaaabangang serye kung saan gaganap namang anak nila si Zaijan Jaranilla. Kahit first time umano nilang magkasama at gumanap bilang mag-asawa, hindi siya nahirapan. Ito ay dahil tinulungan umano siya ni Jodi nang sobra-sobra sa paggawa ng mga eksenang kailangan nilang gawin.

Read also

Sandro Muhlach, sinorpresa ng kanyang ina na bumiyahe mula pang Amerika

Matatandaang naibahagi ni Ria Atayde ang kanyang saloobin kaugnay sa mga body shamers. Sa isang video na binahagi sa Star Magic YouTube channel ay nakasama niya ang kapatid niyang si Gela Atayde. Nagbigay sila ng kanilang opinyon at reaksiyon sa mga toxic comments kabilang nga ang body-shaming comments. Ani Ria, hindi madali sa kanya ang magbawas ng timbang dahil sa kanyang kondisyong hypothyroidism.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate