Madam Inutz, sinurpresa ang nag-viral na lola na wala halos bumili ng kanyang paninda

Madam Inutz, sinurpresa ang nag-viral na lola na wala halos bumili ng kanyang paninda

- Sinurpresa ni Madam Inutz si Lola Maria na minsang nag-viral at umantig sa puso ng marami

- Unang naibahagi ng vlogger na si Den kung saan makikita ang kalagayan ni Lola Maria

- Nang makita ito ni Madam Inutz, agad siyang gumawa ng paraan upang mapuntahan ang lola

- Si Madam Inutz ay unang nakilala dahil sa kakaiba niyang paglalako online hanggang siya ay maging isang PBB housemate at lumabas pa sa ilang programang pantelebisyon

Sinurpresa ni Madam Inutz ang 85-anyos na si Lola Maria na minsang nag-viral dahil sa video na kuha ni Deng Danupan TV.

Madam Inutz, sinurpresa ang nag-viral na lola na wala halos bumili ng kanyang paninda
Madam Inutz, sinurpresa ang nag-viral na lola na wala halos bumili ng kanyang paninda (Madam Inutz)
Source: Facebook

Sa video ni Den, makikitang sa tagal nang maghapon sa pwesto ni Lola Maria, tila walang bumili sa kanyang mga gulay at prutas na paninda.

Hanggang sa makunan pa ito ni Deng na sumakay ng jeep dala pa rin ang kanyang mga paninda pauwi.

Read also

Ogie Diaz kay Liza Soberano: "Parang hindi na si Liza 'yun,"

Labis na naantig si Madam Inutz sa naturang video ni Lola Maria kaya naman talagang pinaglaanan niya ng panahon na puntahan ito sa Guagaua, Santa Rita Pampanga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kasama si Deng, unang sinadya nina Madam Inutz ang bahay ni Lola Maria. Subalit wala ito roon kaya naman agad silang nagtungo sa pwesto nito sa harap ng isang pamilihan din.

Doon natagpuan sila ni Lola Maria at sinalubong sila ng matamis nitong ngiti.

Agad na dinala ni Madam Inutz si Lola Maria sa loob ng pamilihan sa sinabing kunin lang nito ang lahat ng kanyang gusto.

Bukod dito, nais siguruhin ni Madam Inutz na may pang-araw araw na makakain si Lola Maria at iba pa nitong pangangailangan kaya naman buwanan na niya itong susuportahan.

"Every end of the month, meron ka saking makukuha na worth Php5,000 na grocery. Gusto mo 'yun?"

Read also

Yassi Pressman, ibinida ang first anniversary nila ni Gov Luigi Villafuerte

Narito ang kabuuan ng naturang video:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay napansin sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 15,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap. Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na bahagi ng kanyang lumalagong mga negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: