Sunshine Garcia, masayang binahagi ang kanilang gender reveal video

Sunshine Garcia, masayang binahagi ang kanilang gender reveal video

- Ibinahagi ni Sunshine Garcia ang kanilang gender reveal video na puno ng saya at emosyon

- Nais ni Sunshine na magkaroon ng babae, ngunit ayos lang sa kanya kung lalaki ang magiging anak

- Sinabi ni Alex na kahit isang lalaki pa, okay lang sa kanya upang makabuo ng limang miyembro

- Nang buksan ang malaking kahon, lumabas ang pink na balloons, na nangangahulugang babae ang kanilang anak

Masayang ibinahagi ni Sunshine Garcia ang kanilang gender reveal video na puno ng ligaya at emosyon. Sa naturang video, naitanong ng host kay Sunshine kung ano ang gusto niyang gender ng kanilang susunod na anak.

Sunshine Garcia, masayang binahagi ang kanilang gender reveal video
Sunshine Garcia, masayang binahagi ang kanilang gender reveal video
Source: Instagram

Ayon kay Sunshine, kung siya ang masusunod, nais niyang magkaroon ng babae dahil puro lalaki na ang kanilang mga anak ni Alex. Gayunpaman, sinabi niyang mahirap na ring umasa, kaya't okay na lang din sa kanya kung lalaki ito.

Read also

Sunshine Garcia, isinapubliko ang pagbubuntis sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan

Para naman kay Alex, sinabi niyang kahit isang lalaki pa ang kanilang maging anak, ayos lang ito sa kanya upang makabuo ng limang miyembro na maglalaro sa basketball pero maganda din daw na may prinsesa sila. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga ay ang kalusugan ng kanilang anak.

Nang buksan na ang malaking kahon, lumabas ang mga pink na balloons, na nangangahulugang babae nga ang kanilang magiging anak. Napatalon si Alex sa saya, habang naluha si Sunshine sa resulta ng gender reveal.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa caption ng kanyang video post, sinabi ni Sunshine: "BIRTHDAY & GENDER REVEAL👶 TEAM BOY OR TEAM GIRL?? Naka 4 boys na kami ano na ang susunod? Walang hanggang pasasalamat kay Lord sa blessing na natatanggap naming pamilya..❤️🧿 Idinasal, isinayaw sa Obando at higit sa lahat INORDER ng mga anak namin."

Read also

Jake Ejercito, nagbahagi ng entry sa kanyang #JEllieConvos

Tiyak na ang masayang balitang ito ay magdadala ng kasiyahan sa kanilang pamilya at mga tagahanga.

Si Sunshine Garcia ay isang Filipina dancer, actress, at television personality na naging kilala bilang miyembro ng all-female dance group na SexBomb Girls. Sumikat siya sa pamamagitan ng kanyang mga pagganap at pagiging bahagi ng noontime show na Eat Bulaga! at sa iba pang palabas kung saan tampok ang SexBomb Girls. Bukod sa pagsayaw, naging bahagi rin siya ng ilang mga teleserye at pelikula. Kasal si Sunshine sa aktor at politiko na si Alex Castro.

Matatandaang ibinahagi ni Sunshine ang kanyang payo para sa mga mag-asawang dumaranas ng hindi pagkakaunawaan. Ayon sa misis ng Bise Gobernador ng Bulacan na si Alex Castro, mahalaga ang bukas na komunikasyon upang maresolba ang mga sigalot sa isang relasyon.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, isinugod agad ni Sunshine ang kanyang anak na si Xander sa ospital dahil sa mataas na lagnat, panginginig, pantal sa balat, at pagsusuka. Kinabukasan, nang sila ay pinauwi, nagkaroon si Xander ng dalawang seizure, kaya't napilitan si Sunshine na dalhin muli ito sa ospital.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate