Jericho Rosales, inakalang 24 years old lamang si Janine Gutierrez

Jericho Rosales, inakalang 24 years old lamang si Janine Gutierrez

- Inakala ni Jericho Rosales na 24-anyos lamang si Janine Gutierrez

- Naikwento niya ito sa naging panayam sa kanya ni Karen Davila kamakailan

- Aminado si Jericho na napa-google pa umano siya ng tunay na edad ng kanyang 'Lavender Fields' co-star

- Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma ni Jericho na nasa dating stage sila ni Janine

Makulit na naikwento ni Jericho Rosales na muntik na niyang hindi pormahan si Janine Gutierrez.

Jericho, inakalang 24 years old lamang si Janine Gutierrez
Jericho, inakalang 24 years old lamang si Janine Gutierrez (@jerichorosalesofficial)
Source: Instagram

Ito ay dahil sa inakala niyagn 24-anyos lamang ang aktres na kasama niya sa seryeng 'Lavender Fields.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, nabanggit ito ni Jericho at aminadong napa-google pa umano siya ng edad ni Janine.

"I thought she was 24. EJ said, My make-up artist, she’s 24. ‘What? Okay, Bye! Alam mo 'yon, bye... I'm not dating a 24-year-old girl. I googled, 'Oh! pwede pala"

Read also

Jericho Rosales, may dalang iPad sa first date nila ni Janine Gutierrez

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa naturang interview, naikwento rin ni Echo na may dala pa umano siyang iPad sa unang date nila ni Janine.

Ani Jericho, inaya lamang niya ng "script reading" si Janine na noo'y hindi pa umano niya nakak-eksena. Gayunpaman, hindi rin daw nila ito nagamit.

Si Janine Gutierrez ay isang Filipina actress, model, at host.Siya ay anak ng aktres na si Lotlot de Leon at aktor na si Ramon Christopher Gutierrez. Nag-umpisa siya bilang isang Kapuso subalit ngayo'y bumibida na siya sa Kapamilya serye na Dirty Linen. Bumida rin siya sa ilang mga Netflix movies tulad ng Ngayon Kaya kung saan kasama niya si Paulo Avelino.

Kamakailan, naging emosyonal ang guesting niya sa Magandang Buhay nang maikwento niya ang dahilan bakit niya noon gustong mag-artista at ito ay dahil sa kanyang yaya na na-diagnose na may cancer. Sa panayam naman kay yaya Pat na naroon din sa programa, naisiwalat nito na inalala rin niya si Janine nang malaman niya ang kanyang karamdaman.

Read also

Ogie Diaz sa "This is Me" vlog ni Liza: "May dikta 'yun"

Samantala, sa kanyang YouTube channel, nagkaroon ng pagkakataon na maging panauhin niya ang kanyang ina na si Lotlot. Doon, kanyang nabanggit na 'pride and joy' niya ang maging anak ni Lotlot at sinamantala na rin niya ang pagkakataong pasalamatan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica