Jericho Rosales, may dalang iPad sa first date nila ni Janine Gutierrez

Jericho Rosales, may dalang iPad sa first date nila ni Janine Gutierrez

- Naikwento ni Jericho Rosales ang unang date nila ni Janine Gutierrez

- Aniya nagulat ang aktres nang makita nitong may dala siyang iPad

- Gayunpaman, sinabi ni Jericho na hindi ito nabuksan o nagamit sa araw na iyon

- Kasalukuyang magkasama sina Jericho at Janine sa teleseryeng Lavender Fields

Inalala ni Jericho Rosales ang umano'y una nilang date ng kanyang 'Lavender Fields' co-star na si Janine Gutierrez.

Jericho Rosales, may dalang iPad sa first date nila ni Janine Gutierrez
Jericho Rosales, may dalang iPad sa first date nila ni Janine Gutierrez (@jerichorosalesofficial)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, idinetalye ni Jericho ang kinalabasan ng unang date nila ni Janine.

Ani Jericho, inaya lamang niya ng "script reading" si Janine na noo'y hindi pa umano niya nakak-eksena.

Dahil dito, dala ni Jericho ang kanyang iPad, dahil sa inaasahang script reading na kanilang gagawin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Kylie Padilla, naging sentimental sa binahaging life update tungkol sa mga anak

Gayunpaman, hindi rin daw nila ito nagamit.

"I brought my iPad and then we saw each other at a cafe. She started laughing. She was, "Like Holy God, you have an iPad?" I said, "Yes, this is a work meeting."... Six hours later, we never got to open the iPad. It ended up with Japanese food at 3 p.m. And then she went to her Lola, Pilita Corales and then that’s it. I was like, "Wow, I can spend six hours talking to this girl." That’s when I felt something," ani Jericho.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Janine Gutierrez ay isang Filipina actress, model, at host.Siya ay anak ng aktres na si Lotlot de Leon at aktor na si Ramon Christopher Gutierrez. Nag-umpisa siya bilang isang Kapuso subalit ngayo'y bumibida na siya sa Kapamilya serye na Dirty Linen. Bumida rin siya sa ilang mga Netflix movies tulad ng Ngayon Kaya kung saan kasama niya si Paulo Avelino.

Read also

Kiko Pangilinan, sa pagkaaresto kay Lao: "Expired at overpriced na mga face masks"

Kamakailan, naging emosyonal ang guesting niya sa Magandang Buhay nang maikwento niya ang dahilan bakit niya noon gustong mag-artista at ito ay dahil sa kanyang yaya na na-diagnose na may cancer. Sa panayam naman kay yaya Pat na naroon din sa programa, naisiwalat nito na inalala rin niya si Janine nang malaman niya ang kanyang karamdaman.

Samantala, sa kanyang YouTube channel, nagkaroon ng pagkakataon na maging panauhin niya ang kanyang ina na si Lotlot. Doon, kanyang nabanggit na 'pride and joy' niya ang maging anak ni Lotlot at sinamantala na rin niya ang pagkakataong pasalamatan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica