Kylie Padilla, naging sentimental sa binahaging life update tungkol sa mga anak

Kylie Padilla, naging sentimental sa binahaging life update tungkol sa mga anak

- Ibinahagi ni Kylie Padilla na nagsimula na sa sleep training ang kanyang mga anak na sina Alas at Axl

- Inamin ni Kylie na nahihirapan siya tuwing namimiss niya ang mga anak dahil natutulog sila kapag siya’y umuuwi at umaalis

- Sinabi ni Kylie na hinahayaan niyang bukas ang kanyang pinto upang makapasok ang mga bata at mabigyan siya ng morning kisses at hugs

- Ibinahagi ni Kylie na ang mga sandaling iyon ang nagbibigay lakas sa kanya upang kayanin ang lahat

Nagbahagi ng isang emosyonal na post si Kylie Padilla sa kanyang Instagram, kung saan ibinahagi niya ang bagong updates tungkol sa kanyang mga anak na sina Alas at Axl. Ayon sa Kapuso actress, nagsimula na ang mga bata sa sleep training, kaya’t natutulog na sila ngayon sa sarili nilang kwarto.

Kylie Padilla, naging sentimental sa binahaging life update tungkol sa mga anak
Kylie Padilla, naging sentimental sa binahaging life update tungkol sa mga anak
Source: Instagram

Ibinahagi ni Kylie ang kanyang pangungulila sa mga anak, lalo na sa mga pagkakataong umuuwi siya habang natutulog pa sila at umaalis din nang hindi sila nagigising. “It gets really hard when I miss them lalo na the times when I come home when they are sleeping and I leave when they are sleeping,” ani Kylie sa kanyang caption.

Read also

Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"

Dahil dito, sinabi ni Kylie na ang pinakapaborito niyang parte ng kanyang schedule ay ang kanyang mga araw na walang trabaho. “I purposefully leave my door unlocked so they can come to my side in the morning and give me morning kisses and hugs,” wika niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Kylie, "I live for those moments. They don’t know that this is my fuel. Kakayanin kahit ano basta may kiss and yakap ako [sa kanila]."

Ang mga anak ni Kylie na sina Alas at Axl ay mula sa kanyang dating asawang si Aljur Abrenica. Sa kasalukuyan, may bago na siyang karelasyon na hindi mula sa mundo ng showbiz.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

Yam Concepcion, ibinida ang kanyang mother-in-law na may baby shower para sa kanila

Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon na itinaon nila sa paggunita ng Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate