Ruffa Gutierrez, may emosyonal na birthday tribute sa ex-sister-in-law na si Kesra
- Nagbigay ng emosyonal na birthday tribute si Ruffa Gutierrez para sa ex-sister-in-law na si Kesra
- Ibinahagi ni Ruffa ang throwback na litrato mula noong 2005 na puno ng magagandang alaala sa Istanbul
- Sa kabila ng paghihiwalay nila ng ex-husband na si Yilmaz Bektas, nananatili ang espesyal na koneksyon ni Ruffa kay Kesra
- Sinabi ni Ruffa na kahit 17 taon na silang hindi nagkikita, umaasa siyang magkikita pa rin sila muli isang araw
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nag-post si Ruffa Gutierrez sa kanyang social media para sa kaarawan ng kapatid ng kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas. Sa isang throwback na picture mula noong 2005, ibinahagi ni Ruffa ang mga magagandang alaala ng kanilang mga masasayang araw sa Istanbul kasama si Kesra.
Sa kanyang caption, sinabi ni Ruffa, "This photo taken in 2005 brings back so many fond memories of our happy days together in Istanbul. Even if I haven’t seen you in 17 years I know that one day we will meet again. Dogum günün kutlu olsun, Kesra! May you enjoy your special day."
Aminado si Ruffa na kahit magkaibang landas na sila ng kanyang ex-husband, nananatili pa rin ang espesyal na koneksyon niya kay Kesra at sa pamilya nito. Nang makatsikahan si Ruffa, biniro siya tungkol sa kanyang birthday tribute at sinabi niyang tunay na may pinagsamahan sila ni Kesra na hindi mawawala kahit pa magkaibang landas na sila ng kanyang ex-husband.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Noong nagpunta ang grupo sa Istanbul, personal nilang nakilala si Kesra at napansin nilang mabait siya.
Si Ruffa Gutierrez o mas kilala bilang si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez sa totoong buhay ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Ang kanyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant.
Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya. Nagtanong pa ito na baka nagpapansin lang ang kanyang pinatutungkulang tao para mapasali sa Maid in Malacañang.
Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya. Matatandaang nauna nang pinabulaan ni Ruffa ang tungkol sa akusasyong pinaalis ang mga kasambahay nang hindi binabayaran ng kanilang sahod.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh