Ion Perez, sinurpresa si Vice Ganda: "Para sa busy kong misis"

Ion Perez, sinurpresa si Vice Ganda: "Para sa busy kong misis"

- Sinurpresa ni Ion Perez si Vice Ganda sa set ng shooting ng bagong proyekto nito

- Naisipan ni Ion na bisitahin ang kanyang "misis" para dalhan ito ng makakain

- Samantala, hindi naman lubos na maipakita ni Vice ang kanyang kasiyahan sa pagdating ni Ion dahil sa pagi-internalize niya para sa susunod na eksena

- Gayunpaman, matapos ang eksena, makikita ang saya ng Unkabogable star habang pinagsasaluhan nila ng kanyang mga kasama ang mga dinala para sa kanya ni Ion

Ibinahagi ni Ion Perez sa kanyang bagong vlog kung paano niya naisipang isupresa ang kanyang "misis" na si Vice Ganda.

Ion, sinurpresa si Vice Ganda: "Para sa busy kong misis"
Ion, sinurpresa si Vice Ganda: "Para sa busy kong misis" (@pereziion27)
Source: Facebook

Abala raw kasi ito sa bagong proyekto kaya naman malimit na lamang silang magkasama ng matagal.

Madalian niya itong binisita dala ang danggit, dinuduan, chicharon at iba pang pagkaing nailambing sa kanya ni Vice nang minsang nakita nitong kinakain ito ni Ion.

Read also

Mark Leviste, nagbigay ng mensahe ng pagmamahal at pag-aalala sa pag-uwi ni Kris Aquino

Pagdating sa set, hindi agad maipakita ni Vice ang kanyang emosyon gayung naghahanda na siya para sa susunod na eksena.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, hindi naman nito napigilang maglambing sa kanyang mister na talagang dinalaw siya sa kanilang set.

At matapos nga ang eksena, masaya namang pinagsaluhan nina Vice at kanyang mga kasama ang dalang pagkain ni Ion.

"Ang tagal na naming hindi kumakain ng sabay dahil sa shooting," ani Vice.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ion Perez:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 8.17 million subscribers.

Bukod sa It's Showtime, naging host din ng (LOL) Last One Laughing Philippines si Vice. Ito ay isang reality show kung saan nagsama-sama ang ilang mga kilalang komedyante sa Pilipinas at si Chad Kinis ang itinanghal na kauna-unahang winner nito.

Read also

Julia Barretto at Gerald Anderson, nasa Gensan para sa kaarawan ng ina ni Gerald

Samantala, abala rin si Vice sa pelikulang kanyang pagbibidahan kasama sina Eugene Domingo, Jhong Hilario, Lassy at MC. Matatandaang nabanggit ito ni Sarina, ang anak ni Jhong na nilarawan niyang may supresa raw sa publiko ang kanyang daddy Jhong at Ninang Vice.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica