BINI Maloi, naglabas ng public apology kaugnay sa kanyang na-repost na video

BINI Maloi, naglabas ng public apology kaugnay sa kanyang na-repost na video

- Naglabas ng public apology si BINI Maloi Ricalde kaugnay sa isang video na kanyang nai-repost

- Ito ay matapos na makita niya ang mga naging reaksyon ng publiko ukol sa nai-repost na video

- Pinasalamatan din niya ang mga nagmalasakit na magpaalala sa kanya

- Si Maloi ay isa sa mga miyembro ng popular ng Pinoy girl group ngayon ang BINI

Humingi ng tawad si BINI Maloi Ricalde, isang sikat na personalidad, matapos ang kontrobersiya dulot ng pag-repost niya ng isang video na tila ginagaya ang isang gawi ng mga taong may kapansanan o PWD. Ang video ay nakatanggap ng matinding kritisismo mula sa publiko, na nagdulot ng pagka-bahala sa mga tagasuporta at iba pang netizens.

BINI Maloi, naglabas ng public apology kaugnay sa kanyang na-repost na video
BINI Maloi, naglabas ng public apology kaugnay sa kanyang na-repost na video (BINI Maloi)
Source: Facebook

Kamakailan lamang, nag-viral ang isang video kung saan makikita ang isang lalaki na nagsasayaw habang ginagaya ang mga galaw na kadalasang nauugnay sa mga taong may kapansanan.

Read also

Darren Espanto, inalala ang sumikat na kanta ni Kim Chiu noong pandemic

Pagkaraan ng mga kritisismo, agad na naglabas ng public apology si Maloi. Sa kanyang pahayag sa social media, sinabi niya:

"Saw the tweets. I am deeply sorry. It will never be my intention to hurt anyone. I respect everyone regardless of who and what they are. I will be more careful next time. Thank you to those who educated me nicely. I appreciate you all."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naihayag ni Maloi ang kanyang taos-pusong paghingi ng tawad sa mga naapektuhan at nagbigay ng pasasalamat sa mga nagbigay malasakit na siya ay paalalahanan. A

Narito ang kabuuan ng kanyang tweet:

Si Maloi Ricalde ay miyembro ng sikat ng Pinoy girl group ngayon, ang BINI. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.

Read also

Aiai Delas Alas, ibinida ang kanyang magiging daughter-in-law

Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo, pinakaaabangan naman ngayon ang Grand BINIverse na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nobyembre. Sa unang anunsyo, Oktubre 4 sana ang nasabing big event subalit kinailangan umano itong malipat sa ibang petsa at ginawa pa nila itong dalawang araw. Ngunit, sa pinakabagong update ng BINI, ginawa pa nilang tatlong araw ang Grand Biniverse concert. At kahit pa ginawa nilang tatlong araw ang naturang konsyerto, sold out pa rin ang lahat ng mga araw na ito.

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica