Jennica Garcia, may pasilip sa kanyang mga paninda para sa live selling nya

Jennica Garcia, may pasilip sa kanyang mga paninda para sa live selling nya

- Pinakita ni Jennica Garcia ang ilan sa kanyang mga paninda sa kanyang muling pagbabalik sa live selling

- Kabilang sa kanyang mga ibebenta ay tripod, microphone at maging gamit sa kusina

- Matatandaang unang nag-live selling si Jennica noong naghiwalay sila ng kanyang asawa

- Kinailangan daw niya magbawas ng gamit lalo at lumipat siya at ang kanyang dalawang anak sa ibang apartment

Nagbigay ng patikim si Jennica Garcia sa kanyang mga magiging paninda sa nalalapit niyang pagbabalik sa live selling. Sa kanyang social media, ipinakita ng aktres ang ilan sa mga gamit na ibebenta, kabilang na ang mga tripod, microphone, at ilang kagamitan sa kusina.

Jennica Garcia, may pasilip sa kanyang mga paninda para sa live selling nya
Jennica Garcia, may pasilip sa kanyang mga paninda para sa live selling nya
Source: Instagram

Matatandaang unang sinubukan ni Jennica ang live selling matapos silang maghiwalay ng kanyang asawa. Ibinahagi rin niya na kinailangan niyang magbawas ng gamit dahil sa kanyang paglipat ng tirahan kasama ang kanyang dalawang anak sa isang bagong apartment.

Read also

Lyca Gairanod, binahagi ang reaksiyon ng kanyang papa matapos nilang hindi magkita ng apat na araw

Matatandaang matapos ang kanilang paghihiwalay ay unti-unting nakabalik sa showbiz si Jennica. Muling napansin ang husay niya sa pag-arte lalo na nang mapasali siya sa seryeng 'Dirty Linen.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate