Aiai Delas Alas, nais daw bumili sa live selling ni Angelica Yulo: "Support ko live selling nila"

Aiai Delas Alas, nais daw bumili sa live selling ni Angelica Yulo: "Support ko live selling nila"

- Nag-post si AiAi delas Alas upang ipakita ang suporta sa pamilya ni Carlos Yulo sa gitna ng isyu sa pagitan nila ng 2-time Olympic gold medalist

- Ipinost ni AiAi sa Facebook ang larawan nina Angelica at Edriel Yulo habang nagla-live selling

- Nais daw ng komedyante na suportahan ang live selling ng mga kapatid at ina ni Carlos Yulo

- Nagbigay rin siya ng opinyon na mas mainam sundin ang payo ng ina pagdating sa usaping pag-ibig

Sa patuloy na sigalot sa pagitan ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ng kanyang pamilya, tila malinaw kung kanino nakasuporta ang komedyanteng si AiAi delas Alas.

Aiai Delas Alas, nais daw bumili sa live selling ni Angelica Yulo: "Support ko live selling nila"
Aiai Delas Alas, nais daw bumili sa live selling ni Angelica Yulo: "Support ko live selling nila"
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni AiAi ang isang larawan nina Angelica at Edriel Yulo—mga kapatid ni Carlos—na abala sa kanilang live selling. Sa kanyang caption, nagtanong siya kung kailan muling magla-live selling ang dalawa dahil nais niyang sumuporta. "Nakita ko sila may nag-send saken sa messenger... kelan kaya ulit live selling nila? Bibili ako... support ko live selling nila... #teamnanay #madamingmadami #letsgomudrakels #labansabuhay," ayon kay AiAi.

Read also

Ogie Diaz, nanghihinayang umano sa iniwang career ni Liza Soberano sa Pilipinas

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag ng opinyon si AiAi tungkol sa isyu. Kamakailan lamang, nagbigay siya ng kanyang pananaw ukol sa pagtutol ng pamilya ni Carlos sa kasintahan nitong si Chloe San Jose. Ayon sa komedyante, bagamat totoo na ang pag-ibig ay maaaring magsakripisyo ng marami, naniniwala siya na "Mother knows best" pagdating sa mga usapin ng relasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“May kasabihan nga pag-ibig pag pumasok kanino man hahamakin lahat masunod ka lamang... pero mas naniniwala ako sa kasabihang (pagdating sa pag-ibig ahhh) ‘Mother knows best,’" ani AiAi. Dagdag pa niya, ito rin ang payo niya sa kanyang mga anak dahil batid niyang ang hindi pagsunod sa kanyang ina noon ay nagresulta sa mga bigong relasyon.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Gigi De Lana, sinagot bakit tinuloy pa noon ang shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.

Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate