Ella Cruz sa mga admin ng isang satire page: "Ipakukulong ko kayo"

Ella Cruz sa mga admin ng isang satire page: "Ipakukulong ko kayo"

- Si Ella Cruz ay nagbanta na ipakukulong ang mga admin ng satire page na "Ppop latest chika updatez"

- Hindi pinalampas ni Ella ang ikalawang pagkakataon na siya ay ginamit ng page para sa kontrobersyal na post

- Tinawag ni Ella ang page na "nangtatanga" ng mga netizens na madaling maniwala sa maling impormasyon

- Naglabas ng listahan si Ella ng mga code names ng admin at nangakong ipakikilala ang mga ito sa publiko

Naglabas ng matapang na pahayag ang aktres na si Ella Cruz laban sa mga admin ng isang satire page na "Ppop latest chika updatez" matapos siyang idawit sa mga kontrobersyal na post ng naturang page. Sa kanyang social media account, hindi naitago ni Ella ang kanyang pagkadismaya at galit sa mga patuloy na paninira at pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya.

Ella Cruz sa mga admin ng isang satire page: "Ipakukulong ko kayo"
Ella Cruz sa mga admin ng isang satire page: "Ipakukulong ko kayo"
Source: Facebook

"Hoy Ppop latest chika updatez. Unang beses na pinost nyo ko pinalampas ko pero etong pangalawa di ko pababayaan," ani Ella sa kanyang post. Tinawag din niya ang pangalan ng isa sa mga admin ng page na si "Mina Okada," at idiniin na hindi niya papalampasin ang paulit-ulit na pag-target sa kanya. Ayon kay Ella, naiintindihan niya na trabaho ng mga ito ang kumita sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling balita, ngunit binigyang-diin niya na hindi na siya mananahimik.

Read also

John Estrada, itinangging habulin siya ng mga babae: "Hindi talaga"

"May disclaimer na satire, oo. Pero nakakalungkot na sadyang andaming naniniwala agad sa mga UNANG NABABASA lamang nila," dagdag pa ng aktres. Ipinahayag ni Ella na ang mga naniniwala sa ganitong uri ng impormasyon ang tunay na biktima, at binansagan niyang "nangtatanga" ang mga nasa likod ng page.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang pagtatapos ng kanyang post, naglabas si Ella ng listahan ng mga admin ng page, kahit na mga code names pa lamang ang nakalista. "Ipakukulong ko kayo," banta pa niya, na tila seryosong hahabulin ang mga nasa likod ng page upang panagutin sa kanilang mga ginawa.

Si Ella Cruz ay isang artista, endorser, host, modelo at dancer. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang si Aryana noong taong 2012 sa Kapamilya network. Matatandaang naging usap-usapan ang social media posts ni Ella at boyfriend nitong si Julian Trono.

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagsayaw ng 'Maybe This Time'

Naglabas din ng pahayag si Pokwang kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang paghahalintulad ng History sa Tsismis. Aniya, nirerespeto niya ang desisyon ni Ella kaugnay sa pananaw nito sa politika at sa sinuportahan nito. Gayunpaman, hindi umano siya sasang-ayon sa sinabi nito tungkol sa history dahil aniya ay maling-mali iyon. Nagbiro pa ito na gusto niyang ibalik sa dagat si 'Aryana' na dating ginampanan ni Ella kung saan si Pokwang ang gumanap bilang ina nito.

Emosyonal si Ella Cruz habang inilalahad niya ang kanyang saloobin. Base sa teaser ng video ng panayam sa kanya ni Boy Abunda, kabilang sa naitanong sa kanya ay kung nasaktan daw ba siya sa post ni Pokwang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate