Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagsayaw ng 'Maybe This Time'

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagsayaw ng 'Maybe This Time'

- Hindi din nagpahuli si Sarina Hilario sa 'Maybe This Time' trend sa TikTok

- Sa video na binahagi sa kanyang social media account, makikita ang cute na cute na si Sarina na sumasayaw sa saliw ng kantang pinasikat ni Sarah Geronimo

- Sa caption ng naturang video ay nakalagay ang mga salita "Nakakahilo pala to?"

- Marami naman ang muli ay naaliw at natawa kay Sarina na patuloy na kinagigiliwan ng netizens hindi lng dahil sa pagiging cute nito kundi dahil sa pagiging bibo at matalinong bata

Hindi nagpahuli ang batang social media sensation na si Sarina Hilario pagdating sa mga nauusong trends sa TikTok. Muli siyang naghatid ng good vibes sa kanyang mga tagahanga matapos niyang sumali sa 'Maybe This Time' dance challenge na patok na patok ngayon sa social media.

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagsayaw ng 'Maybe This Time'
Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagsayaw ng 'Maybe This Time'
Source: Facebook

Ang nasabing dance trend ay hango sa kantang "Maybe This Time" na pinasikat ni Sarah Geronimo, at ito ay naging viral na sa iba’t ibang social media platforms.

Read also

Sarina Hilario, ginuhitan ang mukha para magmukha siyang si 'Sadness'

Sa video na ibinahagi sa kanyang official social media account, makikita siyang masiglang sumasayaw sa saliw ng nasabing kanta, suot ang kanyang paboritong damit na lalong nagpatingkad sa kanyang natural na ka-cute-an.

Sa caption ng video, pabirong nakasulat ang mga salitang, "Nakakahilo pala to?"Agad namang umani ng libu-libong views, likes, at comments ang nasabing video mula sa kanyang mga fans at followers. Marami sa mga nagkomento ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa batang si Sarina, hindi lamang dahil sa kanyang kagandahan at cuteness, kundi dahil na rin sa kanyang pagiging bibo at matalino.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

You are graceful 👏👏👏kakatuwa ka talaga talented,cute and so beautiful little Princess Sarina more video pa ha wait ko
So cute baby Sarina.Beautiful and telented always watching your videos
Very talented talaga

Ang kanyang natural na karisma at pagiging palabiro ay dahilan kung bakit hindi lamang mga ordinaryong tao ang naaaliw sa kanya, kundi pati na rin ang mga celebrities at influencers sa industriya.

Read also

Melai, tinodo ang pagiging fan girl: "Nakalimutan ko na may asawa ako ui!"

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate