Ogie Diaz, nagtanong sa abogado sa posibleng kahinatnan ng reklamo ni Gerald Santos

Ogie Diaz, nagtanong sa abogado sa posibleng kahinatnan ng reklamo ni Gerald Santos

- Nagtanong si Ogie Diaz sa abogado kung ano ang posibleng kahinatnan ng reklamo ni Gerald Santos sa musical director na inakusahan niya ng umano'y panggagahasa sa kanya

- Ipinaliwanag ng abogado ang ilang kasong posibleng maisampa at ang kaparusahan dito

- Lalo na at naganap ito halos dalawang dekada na ang lumipas, kung saan menor de edad pa noon ang biktima

- Si Gerald Santos ay produkto ng singing competition na Pinoy Pop Superstar noong 2006

Nagbigay ng pahayag si Atty. Regie Tongol hinggil sa kasalukuyang dinidinig na reklamo ng kilalang singer na si Gerald Santos laban sa isang musical director na inaakusahan niyang nang-abuso sa kanya noong siya ay menor de edad pa lamang.

Ogie Diaz, nagtanong sa abogado sa posibleng kahinatnan ng reklamo ni Gerald Santos
Ogie Diaz, nagtanong sa abogado sa posibleng kahinatnan ng reklamo ni Gerald Santos (@thegeraldsantos)
Source: Instagram

Sa kanyang programang Ogie Diaz Showbiz Update, sumangguni na si Ogie sa nasabing abogado upang malaman ang posibleng kahinatnan nito, lalo na at ito'y naganap halos dalawang dekada na ang nakalipas.

Read also

Chie Filomeno, sinagot ang netizen na nagtanong kung anorexic ba sya

Nagbigay si Atty. Tongol ng ilang mga batas na posibleng nalabag ng akusado at ipinaliwanag ang kaparusahan sa mga ito.

Matatandaang si Gerald Santos, ay nakilala sa kanyang tagumpay sa singing competition na "Pinoy Pop Superstar," ay nakilala ang sinasabing musical director sa kanyang pagsali sa kompetisyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Makalipas lamang ang 19 taon, saka lamang ito nagkaroon ng lakas ng loob na isiwalat ang mapait na sinapit na siyang naging mitsa ng pagkawala niya sa GMA.

Patuloy ang pagdinig sa reklamong ito, at ang mga detalye ng mga susunod na hakbang ay inaasahang lalabas sa mga susunod na araw. Ang publiko ay nagmamasid sa kaso na ito, na umaasa sa makatarungan at tamang pag-usad ng legal na proseso.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Chloe San Jose, nagpaunlak ng maiksing panayam sa ilang press people

Isa sa mga maiinit na unang naibalita kamakailan ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa umano'y isyu nina Sandro Muhlach at sa dalawang independent contractor ng GMA. Ang kasong ito ni Sandro ang umano'y naging daan ni Gerald upang maisapubliko ang umano'y pananamantalangsinapit sa kanya na ngayong pinangalanang musical director na si Danny Tan.

Sa isa sa mga episodes ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie na gusto na umanong dumulog ng biological mother ni Sandro Muhlach kay Senator Raffy Tulfo sa kasagsagan ng isyu. Sa ngayon, dinidinig na umano ito sa senado kung saan ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ang nagsampa ng reklamo at humaharap sa senado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: